Chapter 29 Life and Death

15K 805 138
                                    

"Love is the most difficult and dangerous form of courage. And courage is the most desperate, admirable and noble kind of love."


Lauren POV


"Hindi mo ba ako susunduin? Anong oras na o, Montefalco, mag-text ka naman!"

Napangisi ako ng mabasa ko ang text message sa akin ni JC. For sure nasa coffee shop pa 'yon hanggang ngayon. Past six na ng gabi, medyo madilim na rin sa labas.

Nireply-yan ko siya na maunana lang umuwi o di kaya naman hintayin na lang ako doon kung mahihintay niya ako. Hindi pa kasi tapos ang meeting namin dito sa presinto.

"Aasahan ko ang kooperasyon ninyo." Ani ni chief habang nakatayo siya sa harapan ng conference at kami naman nakahilerang nakaupo. Nakaupo ako sa bandang likod, sa tabi ni detective. "Aasahan ko din ang malinis at mapagkakatiwalaang performance ninyo at ang tapat na paggampan ninyo sa inyong mga trabaho."

Sumagot namin kaming lahat ng yes, chief. Number one kasi ang station namin sa pinakamalinis trumabaho at pinagkakatiwalaang police station sa bansa. Kaya naman lahat kami proud na proud sa achievement naming ito.

Nag-dismiss na si chief. Pero pinaiwan muna niya ang may matataas na ranggo. Kailangan daw niya itong makausap ng masinsinan. Kaya naman naiwan si detective at nauna na akong lumabas ng presinto.

"Montefalco!"

Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Si Jimboy lang pala.

"O? Bakit?" Takang tanong ko habang naglalakad siya papalapit sa akin.

"Ano kasi..." Napakamot siya sa kanyang ulo. "Ayain sana kita sa bahay, inuman gano'n."

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"Birthday ko kasi." Dugtong niya ng mapansing tinitigan ko siya ng may pagdududa.

"Ah..." Napatango-tangong sambit ko. "Happy birthday, kung gano'n." Bati ko sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat. "Pero pasensya na, hindi kasi ako masyadong umiino. Isa pa, hinihintay na ako ng asawa ko eh." Malumanay na tanggi ko.

"Gano'n ba?" Parang nadismaya pa siya sa narinig. "Okay sige. Naiintindihan ko naman." Sabay ngiti sa akin ng tipid.

"Pasensya na, Jimboy." Muli ko siyang tinapik sa balikat. "Next time na lang siguro. Sige, mauna na ako."

Parang malungkot na tumango na lang siya ng sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na iyon paalis sa presinto.

Kakaalis ko pa lang sa presinto ng mamataan sa rearview mirror ang isang lumang kulay palang Nissan Sentra na nakasunod sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pagdududa. Kaya naman mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo at gano'n din ang ginawa ng driver ng naturang sasakyan.

Mabilis kong pinapagana ang utak ko. Hindi ako pwedeng magpunta ngayon sa coffee shop o umuwi muna sa bahay, tiyak masusundan nila ako. Para ko na ding ipinahamak si JC 'pag nagkataon.

Muli akong napasulyap sa side mirror. Halos bumper to bumper na kami ng lumang sasakya. Bilib din naman ako, sa luma niyang 'yan, nakakahabol pa dito sa makabagong sasakyan ko. Iba rin.

Iniliko ko bigla ang sasakyan at napunta ako sa isang makipot na eskinita na kakasya lang ang sasakyan. Mabilis na nakasunod ang kotse sa likuran ko. Iniliko-liko ko pa baka sakaling mailigaw ko ito. Ngunit nagulat na lang ako ng may isa pang sasakyan na sumalubong sa akin sa isang street court.

"Fuck!" Malakas na mura ko kasabay ng mariing pag-apak ko sa preno. Umingit ang mga gulong nito at parang naaamoy ko na din ang amoy ng goma.

Bumaba ang sakay ng kotseng kulay itim sa bandang harapan. Apat na lalaking mukhang goons. Sakto namang tumigil na din ang sasakyan sa bandang likod ng mahabol ako at bumaba ang tatlong sakay nito na mukha ring mga goons.

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora