Chapter 4 Escaped

15.5K 839 306
                                    

"The worst thing you could do is tame the chaos in you. It's like being told not to feel when you're thrown in the fire."


JC POV


"So... what's up guys?"

Bungad na bati sa amin ni Lily habang parang nanlalatang nakapangalumbaba kaming magpipinsan sa gilid ng coffee shop.

"Tired and sleepy." Tipid at tamad na tamad na sagot ni Kreme.

"I heard the news..." Parang pagod ding naupo siya sa tabi ko, sa gitna namin ni Kreme. "Kinasal na pala kagabi sina Asher at Eira. Woah!" Bigkas niya. "Ang hirap yatang mapabilang sa pamilya niyo. Di mo na alam kung ano yung acting sa totoo. At wala ka ding kamalay-malay na sineset-up ka na pala." Nakangiting napapailing-iling na saad niya.

"Mission accomplished!" Brooklyn said underneath her breath.

"Good job!" Walang kabuhay-buhay na sabay-sabay naming bigkas, saka nagkatawanan.

Paano naman kasi, halos isang buwan kaming pinahirapan sa kaka-acting nung dalawa. Aamin din naman pala 'tong si Eira!

Tsk. Nakakapagod din palang maging artista lalo na kung yung director, ang istrikto! Haist!

"So ano ng plano niyo guys?" Tanong ni Kreme na halatang napuyatan kagabi.

"Magbar-hopping na lang kaya tayo mayang gabi?" Suggestion ni Brook.

"Mag-beach na lang tayo sa Batangas." Sabi naman ni Kreme.

"O di kaya mag-shopping na lang tayo!" Excited na suggestion ko din.

"Oh, I'd love that!" Sang-ayon naman sa akin ni Lily.

"Ay hindi ako sasama!" Kunwari namang nadidismayang saad ni Brooklyn. "Mahirap mag-antay, lalo na pag si Lily ang kasama."

Inirapan naman siya ni Lily. "Go ahead, Brook. Magsawa ka na sa pang-aasar sa akin ngayon dahil malapit na akong umalis."

"Uy, bawal ang pikon!" Pang-aasar pa ni Brook.

"O baka joke lang yan?" Komento ko.

Umiling siya. "Aalis na talaga ako. Maybe next week? I'm not sure pa. Pero definitely aalis na ako. Kasal na yung dalawa e. Wala na akong gagawin pa dito."

"Maybe... you can s-stay a little bit longer." Mahinang sabi ni Brooklyn na ikinatingin naming dalawa ni Kreme sa kanya saka kami lihim na nagkatinginan din.

Bigla yatang nalungkot 'tong si Brook?

Napangisi si Lily saka napailing. "Para may naaasar ka ganun?"

Hindi sumagot si Brook pero nagkibit balikat lang. Muli kaming nagkatinginan ni Kreme.

"Maybe Brooklyn is right." Singit ni Kreme. "Dumito ka muna kahit saglit lang."

Napailing at may lungkot ang ngiting sumagot si Lily. "I'd love to, but I can't." Saka napabuntong hininga. "Nasa ibang bansa yung buhay ko, yung trabaho ko... I don't have any reasons to stay here anymore. I don't have my family."

"But you have us?" May lungkot ding sabi ko. Napamahal na din kasi sa amin si Lily kahit na sobra minsan yung pagiging maldita niya, lalong lalo na kay Brook. "We are a family now. You're part of us already."

Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mapupulang labi. "Thank you." Sincere na sabi niya at para itong maiiyak. "Anyways," Sabay hinga ng malalim na bigkas niya. Halatang nagpipigil lang na wag maiyak. "I have to go." Sabay tayong dagdag niya.

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon