Chapter 25 Hot Summer

17.7K 918 283
                                    

"Love doesn't always have a notion. Love is just love, it's the feeling of happiness and it's something that we can't control and is capable of ruling our lives. Love can be iconic, timeless and beautiful, and once you love somebody, you can never unloved them."


Lauren POV


Bumisita sa bahay kinabukasan, araw ng Sabado, ang mga Karlsson. Present silang lahat, pati yong puddle na alaga ni Mackenzie, bunsong anak nila tita ninang Blaire na ka-age lang din ni Abrienne. Ipinakilala ko naman sa kanila si JC, bilang asawa ko.

"Hi po." Nahihiyang bati niya kay tita ninang.

"Hello, JC. Welcome to the family." Sabay halik sa magkabilang pisngi ni JC na bati sa kanya ni tita ninang.

Nagpasalamat naman si JC sa kanya. Sunod na ipinakilala ko siya kina Bryleigh, Mackenzie at kay Carlisle na hindi man lang niya pinansin.

"Ouch." Kunwaring nasaktang bulong sa akin ni Carlisle.

Siniko ko siya sa tiyan. "Alam mo namang pinagseselosan ka niyan." Naka-smirk na sagot ko.

"Ba't di mo pa kasi sabihin sa kanya yong totoo?" Sabay kamot ng ulong sabi niya. "Napagkakamalan tuloy akong boyfriend mo."

"Wag kang magulo diyan, bakla." Saway ko sa kanya habang nakatingin kami kina Bryle at JC na nag-uusap ng magkakilala sila.

"Tsk. Ang magkaribal, bow." Tukso sa akin ni Carlisle.

"Anong magkaribal?" Nawewerduhang nagbaling ako ng tingin sa kanya. "Sira ulo kang bakla ka! Hindi ko naman pinatulan yang kapatid mo kahit na alam kong patay na patay siya sa akin."

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayong wag na wag mo akong tatawaging bakla?" Malapit ng mapikong kontra niya.

Natatawang ginulo ko yong buhok niya. "Wag kang mag-inarte diyan, hindi mo ikakaguwapo yan! Ayon si Abrienne o!" Sabay turo sa kapatid kong kausap naman ni Mackz. Sila naman yong magbest friend. "Pero subukan mo lang dumihan yong balat niya gamit yang mga kamay mo, puputulan kita ng kaligayahan." Banta ko. Pero biro ko lang naman yon.

"Puputulan agad ng kaligayahan?" Nawewerduhang ganti naman niya. "Ikaw din, malalagot ka kay baba. Wala ng maghahasik ng kaguwapohan niya." Saka pa napahawak sa kanyang baba habang nakangisi.

Binatukan ko nga! "Baliw!"

Iniwan ko siya at lumapit kina JC at Bryle. Lumapit din sa amin si tito Lex ng matapos silang magbatian nina mama.

"Ikaw pala si JC." Sabay lahad nung kamay niya sa kanya. "Ikinagagalak kitang makilala."

"Hi po." Magiliw namang tugon ng aking asawa. "Ang gan- guwapo niyo po pala sa personal." Sabay alanganing ngumiti ng inabot niya yong nakalahad na kamay ni tito Alex.

Ngiting-ngiti naman si tita Lex. "Ganyan talaga hija. Maliit na bagay." Biro niya. "Tawagin mo na lang akong tito Alexis. Nakakabakla kasi pag tita eh." And she wiggled her eyebrows to JC.

Natawa naman ng bahagya yong isa. "Sige ho... tito Alexis." Nakangiting bigkas niya.

"Good." Nakangiting sagot naman ni tito Lex.

"Food has been served, guys." Tawag sa amin ni mama Laurent. "Come on, let's eat lunch first."

Halos sabay-sabay silang mga elders na nagtungo ng kusina. Nagkataon namang nagkasabay din kami ni Carlisle. Bigla ba namang pumagitna sa amin ni JC saka ikinawit yong kamay niya sa braso ko. Lihim na lang akong natatawa at napapailing sa kanya. Ang lakas talaga ng selos niya kay Carlisle. Paano na lang kaya kapag nalaman niyang hindi ko naman talaga boyfriend si Carlisle?

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon