Chapter 1 Lauren

22.6K 797 96
                                    

"What we find in a soulmate is not something wild to tame but something wild to run with."


Lauren POV


Nagulat ako't napabalikwas ng bangon ng tumunog yung alarm ng digital clock sa may left bedside table ko. Isabay mo pa yung sunod-sunod na katok ni mommy sa labas ng pinto ng kuwarto ko.

"Love, anak gising na!" Sabay katok sa pinto ng kuwarto ko. "Tanghali na o. May interview ka pa!"

Inaantok na napakamot sa ulo at napahikab. "Yes, mom." Sleepy na tugon ko. "Gising na po ako." Pero kahit sa totoo lang, nakapikit pa yung mga mata ko.

"Okay sige. Dalian mo. Baka ma-late ka pa. Ayaw na ayaw pa naman ng mama mo yung nale-late." Paalala pa niya.

"Breakfast in ten, Lauren!" Narinig kong sigaw ni mama Laurent.

Napadilat yung mga mata ko pagkarinig ko sa boses niya. "Yes, ma!" Kunwaring pinasigla ko yung boses ko.

Mabilis akong bumaba ng kama, muntik pa nga akong madapa dahil sumabit yung paa ko sa kumot.

"Nagbibihis na po ako, ma!" Pagsisinungaling ko.

"Good." Narinig kong sagot niya sa labas.

Nagmamadaling nagtungo ako sa loob ng banyo at naligo. Kaya ko yung ten minutes, basta wag lang bababa dun.

Ilang minuto lang akong naligo, pagkatapos ay nag-toothbrush na ako. Mabilis ang mga hakbang na pumasok ako sa walk-in closet, di alintana yung tumutulong tubig mula sa katawan kong di ko na pinagkaabalahang takpan pa ng tuwalya.

Why bother? Sabi ko sa loob-loob ko. As if naman may makakakita sa itsura ko ngayon. And if meron man, so what? There's nothing to be ashamed of. I love my body! Ang ganda ko kaya! And I have the body that every woman would die for.

Saktong-saktong ten minutes ako natapos at nagmamadaling bumaba ng hagdan habang isinusuot yung combat boots ko.

Nakaupo na silang lahat sa dining table pagdating ko sa dining room. Mabilis akong umupo sa tabi ni mommy, sa bandang kaliwa niya, katapat namin sina Malcolm, my nineteen-year old brother at si Abrienne, ang sixteen-year old sister ko, ang bunso namin.

Napatingin sa akin si mama Laurent habang nakaupo naman siya sa may kabisera. May disapproving look sa kanyang mga mata ng makita yung itsura ko.

"Did you dye your hair?" Seryoso ang mukhang tanong niya. "Again?" Dagdag pa niya.

"Yes, ma." Tipid na sagot ko naman.

Napaismid siya saka napailing. Hindi man siya kumibo pero alam kong nadidismaya na naman siya sa itsura ko. Napansin ko naman yung paghawak ni mommy Isabella sa kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa saka bahagyang pinisil iyon.

Tahimik kaming kumain ng breakfast. At hanggang sa matapos kami, hindi na kumibo pa si mama.

Haist, hindi na ako nagtataka pa. Ganun naman siya, parang palaging napakapormal. She was known for being heartless before, right? Pero nagbago lang daw siya nung makilala niya si mommy Isabella. Well, seeing them now, I have no doubt about that. Kitang-kita naman naming magkakapatid kung gaano niya kamahal si mommy. Mahal din naman kami ni mama, alam ko din yun, kaya lang paminsan-minsan, sa taas ng standards niya, parang ang hirap niyang abutin. Mahirap siyang pantayan. Ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng mama na Judge?

Kaya nga ginagawa ko ang lahat para maging proud din siya sa akin. At ngayon nga, job interview ko sa bayan. Kampante naman ako na makukuha ako doon. I'm a Montefalco. We're famous and powerful.

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon