Chapter 13 Stop Making Me Crazy

14.5K 738 151
                                    

"Her heart was wild, but I didn't want to catch it. I wanted to run with it, to set mine free."


JC POV


"Bakamagulat ka paggising mo isang araw, hinahanap-hanap mo na ang mga halik ko..."

Ipinilig ko yung ulo ko pagkaalala ko sa mga sinabi ni Lauren sa akin kahapon ng umaga ng nasa bakuran niya kami.

Nataranta si mama nung makita yung tatlong itim na magagarang kotse sa labas ng bahay na inuupahan ni Lauren kaya agad siyang nagtungo doon, kasama si Macy. Ako naman, out of curiosity, sumunod ako sa kanya. Mas lalo na siyang nag-alala ng makita niya yung tatlong lalaking malalaki ang katawan na nakatayo sa labas ng gate niya.

Yun pala... ang mama niya yung dumating. Noon ko lang siya nakita ng personal, and I must say... kulang yung salitang maganda para i-describe siya.

"... yung mga haplos ko sayo..."

Stop! Sigaw ng isipan ko.

Sinubukan kong inabala yung sarili ko sa pagsasalansan ng mga paninda namin dito sa bakeshop. Maluluka yata ako ng wala sa oras kapag hinayaan kong kontrolin ng mga sinabi ni Lauren sa akin yung utak ko.

"... yung pagkakadikit ng mainit na balat ko sa balat mo."

"Enough!" Malakas na sigaw ko.

Bigla tuloy natahimik lahat ng kasamahan namin dito kasama si mommy, pati nga yung papasok pa lang sanang customer, natigilan na sa may bukas na pintuan.

"Anak, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

"I-I'm..." I clear my throat. "I'm fine mommy." Lihim kong pinapagalitan yung sarili ko. "M-may iniisip lang po ako."

Mataman niya akong pinakatitigan. "Are you sure?" Lumapit siya sa akin at sinalat yung noo ko at tsaka yung leeg ko.

"Mommy, wala po akong sakit." Marahan kong tinanggal yung kamay niya sa leeg ko.

"Chine-check ko lang anak, baka kako may sakit ka dahil bigla ka na lang napapasigaw diyan." Nag-aalalang saad niya.

Napabuga ako ng hangin. "Okay, maybe I'm not in a good shape for work today, mom." Matamlay na sabi ko.

"It's alright." Hinagod niya yung likod ko. "Sige na, umuwi ka na lang muna." Nakakaunawang sabi niya. "Take my car."

Tumango lang ako sa kanya. Pumasok ako sa loob ng mini office namin ni mommy para kunin yung bag ko at yung susi ng kotse. Matamlay na nagpaalam ako sa kanya bago lumabas ng bakeshop.

Kasalanan 'to lahat ng Lauren na yun eh! Kung hindi naman kasi siya... hmp! Mababalatan ko talaga siya ng buhay. Ngitngit ko habang nagmamaneho na pauwi ng bahay.

Pero mukhang pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Nadatnan ko ba naman siya sa bahay! Bwisit talaga ang babaeng 'to!

"What are you doing here?" Mataray na tanong ko sa kanya. Tumayo talaga ako sa harapan ng screen ng TV habang nakasalampak sila ni Cryler sa sahig at abala sa paglalaro.

"Ate!" Reklamo ni CJ. "Pwede ba umalis ka -"

"Tumahimik ka!" Gigil na sabi ko sa kapatid ko. "Ikaw." Baling ko kay Lauren na abala sa pagpipindot sa play station. Di man lang ako pinapansin ng bruha. "Umuwi ka na!" Sabay turo sa bukas na main door namin.

"Yes!" Napasuntok pa sa hanging bigkas niya. "Ano ba yan, panalo ako? Libre mo 'ko ng pizza mamya ha?" Ngiting-ngiting sabi pa niya kay CJ at pabiro pa itong sinuntok sa braso.

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon