CHAPTER NINE

30 6 0
                                    

HER POV

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Habang hinihintay ang aming order. Dadalawa lang kaming customer dito kaya naman walang masyadong maingay. Mga tunog lang ng mga niluluto ang naririnig namin.

Napatingin ako sakanya. Ang gwapo niya. Nakasuot siya ngayon ng grey na jacket, white t shirt inside, maong pants at puting sapatos na adidas.

"Pwede ba akong magtanong?" Ani ko.

"Hindi pa ba yan tanong? Haha, joke lang." Sabi niya sabay peace sign. Ang cute niya. "Kailangan mo pa bang tanongin mo sa akin kung pwede kang magtanong?" Natatawa niyang sabi.

Ano nakakatawa 'don? Tinignan ko lang siya ng walang ekspresyong ipinapakita.

"Wuy napatahimik ka na niyan, joke ko lang 'yun sorry. Tampo ka na naman agad. Ano ba yung tanong mo?" Aniya

Tumango lang ako sakanya't napabuntong hininga.

"Ahh ehh...Tanong ko lang,----" Naputol ang pagsaaalita ko dahil dumating na ang order namin. Umayos ako ng upo at kinuha ko ang order ko at nagsimula ng kumain.

Napatigil ako sa pangunguya dahil napansin kong hindi ginagalaw ni Steven ang pagkain niya. Linunok ko muna ang pagkain saka ako uminom ng tubig.

"Ba't 'di ka kumakain?" Tanong ko sa kanya.

Hinintay ko ang sagot niya pero nakatingin lang siya saakin at tila'y pinagpapawisan. Naiinitan ba siya? Malamig naman ah. Naka aircon 'tong restaurant. Pinisil ko ang pisngi niya.
.
.
.
.
.
.
.

HIS POV

Napabalik ako sa realidad dahil pinisil ni Shintaine ang pisngi ko mabuti nalang at ginawa niya yun kung hindi baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"A-ano 'yung s-sinabi m-mo?" Shit. Why am I stuttering?

"Ang sabi ko, ba't di ka kumakain? Ba't di mo ginagalaw yang pagkain mo?" Tanong niya.

"N-nawalan na ako ng g-gana." Sabi ko nalang. Tch. What a lame excuse Steven. Napapikit nalang ako ng mariin.

"Ha? Eh sayang naman yung pagkain kung hindi mo kakainin." Aniya

"Iuwi mo nalang." Sabi ko

"Eh? Sigurado ka? Kainin mo nalang kasi. Di kapa ata kumakain." Saabi niya na may bahid ng pag aalala sa boses niya.

"Ayieeh, concern siya." Pang aasar ko. Nakita kong namula ang kanyang pisngi kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong kurutin ang pisngi niya. Napapikit naman siya. Ang lambot ng pisngi niya't ang taba parang siopao haha kaya ang sarap pisilin.

"Kumain ka na lang diyan. Huwag ka ng mag alala sakin." Sabi ko't nginitian siya.

Tumango nalang siya't ngumiti. Ininom ko ng ang shake ko't pinagmasdan siyang kumakain.

WHEN SHE CRIESWhere stories live. Discover now