CHAPTER EIGHT

31 9 0
                                    

HIS POV

This is my first time, para yayain siyang lumabas. Akala ko nga aayaw siya eh. Buti nalang at pumayag siya at ok lang sakanya.

At buti nalang, ok lang din sa kanyang ina.

"Hindi ko po siya boy friend inay, kaibigan lang." Pagpapaliwanag ni Shintaine sa kanyang ina.

"Basta, ganon na din yun. Ipaliwanag mo ang lahat sa akin mamayang pagkauwi mo ha? Sige, umalis na kayo!" Sabi ng ina niya at tinalikuran kami nang hindi man lang hinintay ang sagot ng anak niya. Napailing nalang ako.

"Steven, pasensya kana sa nanay ko ah?" Paguumanhin niya habang nakayuko.

"Hindi, ok lang." Sabi ko at nginitian siya. Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ito para tumingin sakin pero nakatingin lang siya sa baba. Kinuha ko ang kamay niya kaya napaangat ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siyang muli. Hindi ko alam kung bakit parang hindi siya mapakali.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa plaza. Habang magkahawak ang aming kamay. Minsan napapatingin ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa daan.

Nang makarating kami sa plaza ay medyo madaming mga tao ang nandito. Kaya hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay niya.

Baka kasi mawala siya sa akin eh. At ayaw kong mangyari 'yon.

Tinignan ko siya at nagulat nalang ako ng nakatingin din siya sa akin. At sabay din kaming nag iwas ng tingin sa isa't isa.

"So anong gusto mong puntahan natin?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam, ikaw bahala." Sagot naman niya. Habang inililibot niya ang kaniyang tingin.

Hinila ko siya papalapit sa isang stand ng cotton candy. Bumili ako ng dalawang supot tigsa sampu lang naman isang supot.

Nang mabayaran ko ito ay kinuha ko ito at ibinigay ang isa sa kanya.

Binitawan niya ang kamay ko,

Para kunin ang iniaabot ko sakanyang supot ng cotton candy. Habang naglalakad kami ay kinakain namin ito. Meron pa yung time na sinubuan ko siya, kinain niya naman ito kaya napangiti ako.

Nang maubos naming dalawa ang kinakain namin ay itinapon namin ang pinagkainan namin sa basurahan. Inakbayan ko siya. At naglibot libot kami sa plaza.

Siya ang pinakaunang naging kaibigan ko sa tanang buhay ko.

Wala akong kaibigang ibang mga babae at kahit mga kaibigang lalake ay wala din. Wala akong barkada.

I'm a lonely person.

Pero nagmula ng nakilala ko si Shintaine ay parang buong buo na ako. Yung para bang siya ang mundo ko, siya ang buhay ko.

I admit, and yes I'm inlove with her. I'm inlove with my bestfriend.

"Anong mas gusto mo? Sa ihawan? O sa fishball-an?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede both?" Sabi niya sabay tawa. Napatawa din ako dahil sa saya.

Yung feeling na pinapanood mo yung taong mahal mo na masaya dahil kasama ka niya.

WHEN SHE CRIESWhere stories live. Discover now