"So.... nandito ang officers ng SCMA para magbigay ng iilang announcement at para asikasuhin ang mga bagay bagay para sa gabing ito! Makinig ha? Para makapag-umpisa na tayo sa party!" Dagdag pa ni Nikki, matapos non ay tumingin na siya sakin, tumango ako para sabihing ready na ako.
"So here's the pretty and intelligent president of SCMA! Miss Venice Park!" Pumalakpak sila at gaya kanina ay nagsigawan yung mga outsiders na lalaki. Hindi ko alam kung cheering ba 'yon o pambabastos. Pero kahit ganon ay ngumiti na lang ako at inabot yung mic.
"Good evening to our beautiful teachers, to my co-students, and to our handsome and gorgeous visitors!" Ngumiti ako at nagpalakpakan nanaman sila.
Ipinaliwanag ko ang lahat ng dapat ipaliwanag, pati ang nagiging takbo ng party ay sinabi ko na din.
"And oh, I just want to inform my co-students that you need to go here in the backstage to get your shoes and to have an attendance. And to our visitors, enjoy! Let the party begin!" Pagtatapos ko sa speech ko, nagbow ako at ngumiti bago tumalikod, nagsigawan naman sila atsaka tumugtog ang mga musikang pang sayaw, bumaba na ako ng hagdan at nakita ko ang mga co-officers ko na inaayos na yung mga sapatos sa back stage, meron na ding nakatoka para sa attendance sheet.
Si Lucy naman ay nasa stage na at magi-speech din. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya at pinagpatuloy ang paglalakad, sa may pinto nung backstage ay nakasandal si Anthony at mukhang hinihintay ako. Pacool pa siya ha.
Nagpapaka-escort ang mokong. Agad siyang umayos ng tayo nung makita niyang nakatingin ako, lumapit na ako sa kanya para makaupona din kami sa tabi ng mga kasama namin.
"Galing ng speech a." Bati niya atsaka nilahad ang braso. Napailing na lang ako habang nakangiti atsaka inabot ang braso niya.
Habang naglalakad kami papunta sa maingay na mesa ng mga kasama namin ay pinagtitinginan pa din kami, mga chismosa!
Nung malapit na kami sa mesa ay nakatingin na din samin ang mga kasama namin, naniningkit at nang-aasar yung mga mata nila kaya inirapan ko na.
Pinang-urong ako ng upuan ni Anthony at umupo na din sa tabi ko, nagsiubuhan naman yung mga kasama namin at nagkunwaring kinakagat ng langgam.
"Aray! Aray! Ang daming langgam!"
"Ehem ehem. Ayan fafs! Malapit sa paa ni Anthony! Apakan mo dali!" Unakto naman si Tyler na aapakan yung paa ni Anthony ng bigla siyang batukan ni Anthony,
"Mga gago!"
Nagtawanan yung apat na lalaki atsaka nag-apir. Umiling na lang ako. Kinalabit naman ako ni bessy atsaka hinawakan yung mukha niya na para bang kilig na kilig siya. Hay nako! Isa pa to e.
"Tumigil ka nga bessy! Escort ko kasi siya!" Pabulong kong sigaw para madinig ni bessy kahit malakas yung tugtog at para hindi rin madinig ni Anthony kahit malakas yung tugtog.
Tumango tango na lang si bessy, pero kita pa din sa mukha niya na hindi siya naniniwala, pinanlakihan ko na lang siya ng mata at inirapan niya naman ako habang nakangisi. Hay nako.
The party went well, hindi naman nagreklamo ang mga students nung ang mga suot nila ay hindi stilletos. Shoes kasi ang inihanda namin, bagay naman yung shoes sa cocktail dress at ang cute niya namang tingnan.
"Ewww! Nakakainis talaga! Bakit ganito yung shoes natin!" Mukhang mali ako. May ilang students pa ding nagrereklamo at ang mga students na yon ay yung mga feeling queen bee ng school.
"Pigilan mo ako bessy, kakalbuhin ko yung bruhildang yon."
"Go lang bessy. Isang buhok lang itira mo." Nagtawanan naman kami dahil doon. Pampawala ng stress, baka pag di nawala stress ko ako mismo kumalbo sa kanya.
Nagpatuloy lang ang party, kainan, sayawan, at kung ano ano pa ang pinaggagagawa namin. Ito ang unang party na inorganisa ko. Ngayong taon lang din naman kasi ako naging president at wala akong interes sa ganito noon sa dati namang eskwelahan, at isa pa, si Lucy ang president noon, tinutulungan ko siya oo, akala ko best friend kami e. Pero hindi pala. Ahas siya. Plastic.
Hindi pa din nababawasan yung galit ko sa kanya, pakiramdam ko mas nadadagdagan pa nga. Ugh! Bawal ang drinks dito sa Academy kaya walang alcoholic drinks na nakahanda, puro juice lang ang meron.
Maya maya ay nagyaya na sina Lisa na sumayaw, sumang-ayon naman ang iba pero tumanggi ako.
"Pass muna ako,"
"Ang KJ mo naman pres!"
"Oo nga bessy! Sayaw na tayo!"
Pinaghihila pa nila ako pero wala talaga ako sa mood na sumayaw,
"Alis na. Samahan ko muna si Margarette." Pigil ni Anthony,
"Asus! Bayaan na nga natin magsosolo lang yang dalawa, tara na!" Sabi ni Jandi kaya wala din silang nagawa at umalis na.
Katahimikan ang bumalot sa amin, nilalamig na din ako.
"O," hinagis sakin ni Anthony yung coat niya, napakagentleman talaga. Mukhang bumalik na siya sa normal. Psh.
"Salamat ha. Salamat."
"No problem," ngisi niya. Aba't.
"Kanina ko pa napapansin, bat parang wala ka sa sarili?"
"Wala ba? Ah... haha."
Umiling na lang siya sa naging sagot ko. "E bat ikaw? Paiba iba ka ng mood? Kanina ang sweet mo, tapos ngayon ang sungit mo nanaman. Yung totoo? Tinalo mo pa kamalditahan ko ah." Tumawa pa ako. Sumeryoso naman ang mukha niya kaya tumigil din ako sa pagtawa, anong ginawa ko?
"Why? Do you want me to be sweet again?" Tinitigan niya ako sa mata at inalapit niya ang mukha niya sa tenga ko, " 'Cuz me? I want to be sweet again to see you blush because of me..."
ESTÁS LEYENDO
A Nerd With Class
Novela JuvenilSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 20
Comenzar desde el principio
