Mixed emotion siya sa narinig. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya sa mga unang binanggit nito o mag-aalala para sa kaibigan sabay pa sa pag-iisip kung sino ang pwedeng tumulong sa kanila. Ngunit ang pinakatumatak sa mga sinabi nito ay ang magiging mortal.

“Mortal? Ikaw hindi ka ba mortal?”

Ngumiti ito. She can’t help but to admire him more because of that charming smile. “Mas mortal pa nga ako sa iyo kung tutuusin.” Sagot nito.

Lalo lang gumulo. Mas mortal? Ano’ng ibig sabihin nun?

“Ano ka ba kasi? Bakit may powers ka? Ano ba’ng kailangan ng Jorizce na yun kay Miah? Bakit nandito ka?” mas maraming katanungan ang sumunod niyang pinakawalan para rito.

“Tapos na sila. I need to go. Mamayang gabi kailangang madala mo sa puno ng balete ang kaibigan mo. Nasa dulong bahagi iyon ng subdivision. Walang masyadong tao roon. Maghihintay ako. Itatakas natin siya. Kung kailangan mong humingi ng tulong sa ibang mortal upang matakas siya gawin mo. Isa lang ang dapat mong iwasan, iyon ay malaman ni Jorizce ang lahat. Buhay ng kaibigan mo ang nakasalalay dito kaya mag-iingat ka. Ayoko ring mapahamak ka. Kakaibang lakas at kakayang magbura ng isip ang kapangyarihan ni Jorizce, iyon ang dapat mong labanan. Paalam.”

Humalik ito sa kanyang noo bago tuluyang maglaho. Humawak siya sa bahagi ng kanyang noon na hinagkan nito. Marami pa siyang gustong malaman ngunit kailangan na muna niyang mag-isip ng paraan upang maitakas ang kanyang kaibigan. Uunahin na muna niya ito bago ang kanyang mga nais malaman.

Kabado man siya ay pinilit niya pa ring kumalma upang makaisip ng perpektong plano. Nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Jelan na tila tinutulungan siya. Hanggang sa isang plano ang pumasok sa kanyang isipan.

Nagtungo siyang muli sa ibaba. Nagugutom na talaga siya. Tapos na ang dalawa sa maagang pagpapanit ng laman at sa kakaibang breakfast. Makahulugan na naman ang mga titig ni Jorizce sa kanya. Nanlalata naman ang kanyang kaibigan. Mabilis niya itong nilapitan.

“Okay ka lang ba Miah?” Tumango ito. “Halika sa kusina, ipaghahanda kita ng almusal.”

“Busog siya.” Si Jorizce ang sumagot.

“May busog ba na nanlalata? Maputla?” sarkastiko niyang tugon dito kahit pa sa tuwing kausap niya ito ay halos lumuwa na ang kanyang puso sa kaba.

“Napagod lang siya.”

“Halata nga. Almusalin mo ba naman siya tingnan lang natin kung hindi siya mapagod. Hindi ka pa ba aalis?” diretso niyang tiningnan ang berdeng nitong mga mata.

“I’m living here for good.”

Isang buntong hininga ang sinagot niya rito. “Tara na nga Miah. Kumain na muna tayo ng totoong almusal.”

Kinagabihan.

“Joven bakit mo ko iniwan? Mahal na mahal kita eh.” Patuloy si Miah sa pag-iyak habang kausap ang dating nobyong si Joven. Nasa malapit sila ngayon sa puno ng balete.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now