#Comeback

1.2K 44 2
                                    

May magbabalik sa chapter na ito. May mabubuo rin. Hmmm J Please join the comment party after at share and vote na rin po. Last 4 chapters nalang ang FTE. Book 1 palang naman ituuuu. Wink! J


Siya nga po pala, nakita niyo na ba ang new profile picture ko sa FB ngayon? Si Jorizce na po mismo ng FTE! J This Sunday ay si Joven naman. Wink! Get to know the real people behind my stories! Naging part ka na rin ba ng group namin sa FB ng iba pang friendship-reader na tulad mo? Naku i-add mo na ako at i-accept naman kita. Lahat ng FB friends ko at regular comment party goer, voter at todo maka-share at iba pang gumagawa ng kung anu-ano for my stories ay sure na magiging character sa story ko soon! Wink! That's a promise and more surprises pa pala in the future! Mwah!


twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

36. #Comeback

"Tasya yung... yung nunal mo sa ilong pati yung buhok niya nawala!" bulalas ni Miah matapos magliwanag ang buong katawan ni Tasya at makita ang pagbabago sa kanya. Agad-agad naman niyang kinapa ang kanyang ilong.

Lumapit ito sa kanya. "Napakaganda mo Tasya. Sabi na sayo mawala lang ang nunal mo sa ilong ay magiging maganda ka talaga." Halata ang pagkagilalas sa mga mata ng kaibigang si Miah.

Halu-halong emosyon naman ang mababakas sa mga mata niya. Lungkot. Saya. Takot. Determinasyon. "Nagkakatotoo na ang propesiya. Walang dahilan upang hindi ito paniwalaan." Mariing sambit niya habang tumatagos sa kanyang kaibigan ang kanyang mga titig. Malayo ang nilalakbay ng kanyang isipan.

"Propesiya na naman. Halika nga rito." Saka siya dagling hinigit nito upang yakapin.

..........

Sa labas ng tahanang tinutuluyan nila ngayon ay lihim na nagdadalamhati si Joven.

"Joven." Nagpunas siya ng luha ng marinig ang kanyang pangalan.

"Oh Eva. Ano'ng nangyayari sa taas?" kunyari'y tanong niya habang sumisinghot pa.

"Magkasama pa rin ang magkaibigan. Quality time I guessed matapos nung mga nangyari. Nagkasama na sila uli. Sana kasi bumalik na rin ang best friend kong si Jelan. Nakakatuwa ang may matalik na kaibigan." Tumabi pa ito sa kanya.

"Tama ka. Sigurado ako babalik pa si Jelan. Magkaka-best friend ka pa rin. Magkakaroon pa rin si Tasya ng blue-eyed Exist niya. Ako lang ang nganga rito. Wala na akong babalikan." Pagdadrama ni Joven. Lagi namang nasa huli ang pagsisisi. Ang dating babaeng kanyang pinakawalan at i-t-in-ake for granted ngayon ay may iba ng mahal.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan." Pagpapalubag loob naman nito sa kanya.

"Iyon naman ang totoo. Narinig mo naman na mahal na nila Miah at Jorizce ang isa't-isa di ba? Shet lang pagkatapos ng lahat ng mga morbid na nangyari sa kanila magkakagustuhan sila? Tapos narinig mo rin na okay lang kay Tasya na magkatuluyan ang dalawa? Unfair naman." Pagmamaktol ni Joven. Napakamot pa ito ng ulo.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now