#ThreatsAndLovers

1.5K 43 6
                                    

Friend na ba kita sa FB? Hmmm// Kasi kung hindi pa at huli mo na itong nabasa ay pwede mong i-check ang profile pictures ko. Nandun kasi, nagsimula ko ng gawing profile pic with special fan sign ang mga real life characters ng stories ko. Si Arwynn ng THBIT ang una. Dito sa FTE makikilala niyo sina Joven, Jorizce at Miah. Wink! Magpapahuli ka pa ba?? J

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

Kapit na sa nalalapit na pagtatapos ng unang libro ng Fantasy Trilogy! Wink!

32. #ThreatsAndLovers

“Kumain lang po kayo kapitan. Kayo na ang bagong pinuno ng aming lugar sapagkat napabagsak niyo na si Diego. Napakalupit niya rito. Masaya kaming natalo na siya.” turan ng matipunong lalaki na ang ngalan ay Ramon. Dinala sila nito sa isang simpleng kainan sa baryo. Halos hindi naman ito pansinin ni Miah dahil nakatuon ang atensyon niya sa pagkain. Gutom na gutom na sya. Si Jorizce lang ang nakikinig sa lalaki.

“Ang tinutukoy mo ba na bagong pinuno ay ako? Ako ang bago ninyong kapitan?” pagkukumpirma ng Exist.

“Kayo nga po kapitan.” Yumuko pa ang lalaki dito.

Bumagal tuloy ang pagnguya nya sa nasaksihan. Aba naging kapitan pa ang gagong to.

“Kung gayon ay saan ang aming bahay? Kailangan namin ng matitirhan ng girlfriend ko. Ang paggalang niyo sa akin ay dapat ganun din ang paggalang niyo sa kanya.” Tuluyang natigil ang kanyang pagnguya. Napatitig nalang siya kay Jorizce. Kung hindi lang maganda ang plano nito ay hindi siya talaga papayag na maging pekeng girlfriend nito. Para rin ito sa kaligtasan niya. Wala silang alam sa lugar na kinalalagakan nila ngayon. She needed his supernatural capabilities. At least for now.

“Tama ba mahal ko?” halos maluwa naman niya ang pagkain na nasa bibig niya ng balingan pa siya nito. May pagkindat pa itong nalalaman.

“Ha?” sambit niya habang halos masamid upang ubusin ang laban ng bibig.

Pinanlakihan naman siya nito ng berde nitong mga mata. Ngumuso siya saka pilit na tumango. No choice ako. Ako ang master pero ako ang no choice!

“Paano nga pala kayo napadpad dito sa amin kapitan?” tanong ni Ramon.

Nagkatitigan sila. Kumuha pa siya ng ulam na nakahain sa hapag. Tanda iyon na hindi siya ang dapat sumagot sa tanong ng lalaki.

“Ang totoo niyan ay naligaw lang kami dito. Darating ang panahon na aalis din kami. Ngunit wag kayong mag-alala hanggat nandito kami ay aayusin namin ang inyong lugar hanggang sa makahanap kayo ng mas karapat-dapat na mamuno sa inyo.” Hindi siya makapaniwala sa mga lumabas sa bibig nito. Tila napakatapat at sinsero nito. She was starting to think na may kabutihan at maayos din na ugali ang Exist na lumapastangan sa kanya.

“Salamat kapitan. Aasahan po namin yan.”

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now