#Help

1.4K 48 12
                                    

Pasabog ba? Heto na naman ang bagong pasabog sa chapter na ito...

If you can’t get enough of FTE please join the comment party, share and vote! Thank you!

Kapit lang! – advice ko lang, hehehe

Meet the real life Joven, Miah, Jorizce and Eunice! Check out my fb and instagram! Soon may message sila para sa inyo! J Thank you!

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

instagram: spontaneous_aldama

29. #Help

“Ahhhhhh!” patuloy ang sigaw na tila dumaranas ng labis na sakit at paghihirap.

Kumunot ang noo ni Jelan at tila nakikilala niya ang boses ng lalaking sumisigaw. “Joven?” Hinarap niya ang kanilang pinuno at sina Eva. “Si Joven yon! Ano’ng nangyayari sa kanya?!”

“Tulad ng nangyari kay Tasya kanina.” Walang emosyong tugon ng Pinuno. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito saka muling ipinukol ang mga nag-aalalang mata kay Eva.

“Bakit nyo pa siya hinayaang manatili rito gayong alam niyong may mangyayaring masama sa kanya. Hindi siya Exist! Bampira siya! Posibleng ikama-tay...” nangilabot siya sa kanyang naisip. “Nasan siya?!”

“Hayaan mo na siya Jelan. Muntik na tayong mapahamak dahil sa mga padalus-dalos na desisyon niya. Kung nagsabi lang siya ng mga nagaganap sa kuta noon ng mga kaaway ay baka nailigtas pa natin yung si Jeremiah.” Pahayag ni Eva na hindi man lamang kumukurap. Mas lalo siyang kinilabutan.

Lumapit siya rito. Ilang talampakan nalang ang layo nila sa isa’t-isa. Nagngangalit ang kanyang mga titig sa matalik na kaibigan. “Nasaan si Joven?” matigas at nangingig ang boses nito. Sumasabay sa malamig na paghampas ng hangin. Ang dalawang Exist na katabi ni Eva ay napaatras. Namumuo ang tension.

“Hayaan mo na siya.” Nagpipigil ng emosyon naman si Eva.

“Hayaan?!” mas lumapit pa siya. Hinawakan ng mahigpit ang mga braso nitong at harap-harapan itonfg sinigawan. Namumuo ang pawis sa mukha niya. Natinag naman ang babae sa walang pagkurap nitong pagtitig sa kanya. Napalunok ito.

“Alam mo ba kung bakit hindi nakipagtulungan sa atin si Joven huh? Kasi nakita niya ang kasamaan ng iba nating mga kalahi at gayundin sa mga kapwa niya bampira! Ang gusto lang din naman niya ay mailigtas si Miah at lumaya sila sa gulong pinapasok nila ngayon!” bulalas niya rito sa pagpapatuloy na pagkompronta sa kaibigan.

“Jelan...” sambit nitong sa kanyang ngalan.

“Isa pa kaibigan na siya ng babaeng pinakamamahal ko. Kaibigan ko na siya. Kayo nagkasama rin naman kayo hindi ba? Hindi mo man lang ba siya binigyan ng pagkakataon para maging kaibigan mo?!” namuo ang luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya kapag hindi niya nailigtas si Joven ay tila nabigo na rin niya si Tasya. Hindi gugustuhin ni Tasya na may isang buhay na mawala. Inako ni Tasya ang responsibilidad kay Joven ng maging bampira ito kaya ngayong mahimbing na natutulog ang kanyang kasintahan ay hindi niya ito dapat na mabigo.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now