Teka, ano bang pakelam ko sa kanya? Eh basta! Ewan ko ba!

                “Di ako marunong lumangoy, waaaaa!” nang makita ko si Hayley na nasa tubig at hirap na hirap nang lumutang doon sa tubig (dahil hindi nga siya marunong lumangoy), para bang biglang may nagtulak sa sarili ko na tumalon rin sa tubig at sagipin siya.

 

 

                Binilisan ko ang paglangoy ko papalapit sa kanya, hangga’t maari. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko na pinansin ang ibang bagay noon kasi ang nasa isip ko lang talaga ay gusto ko siyang iligtas.

                Hindi nagtagal ay nahawakan ko na rin siya, at pagkatapos nun, iniahon ko siya sa tubig at doon siya pinahiga. Nawalan na kasi siya ng malay.

                Sobrang nag-aalala na ako sa kanya ngayon. Bakit ba kasi hindi nag-iisip ‘tong babaeng ‘to? Alam niya na ngang hindi siya marunong lumangoy pero napunta pa rin sa tubig. Tapos lagi nalang siyang napapahamak o kaya naman minamalas!

                Wala na akong ibang maisip na paraan nun para mailigtas siya kaya napilitan nalang akong i-mouth-to-mouth siya. Yun nalang kasi ang natitirang pag-asa ngayon para mailigtas ko siya.

                Hinawakan ko ang kanyang ilong at baba at saka ko pinagdikit ang mga labi—este mga bibig pala. At tuwing magdidikit ang mga bibig namin, iniihipan ko ito para magkaroon siya ng oxygen. Tinitignan ko pa rin kung nagkakamalay na ba siya o ano.

                Paulit-ullit ko itong ginawa hanggang sa noong ika-limang beses na pagdikit ng bibig ko sa kanya, naramdaman kong para bang may humahatak sa ulo pababa kaya hindi makalayo ang mukha ko sa mukha ni Hayley. Nang tinignan ko siya (si Hayley), aba at nakadilat na! At siya pala ang humahatak sa ulo ko! Pambihira!

                “Ano ba!” sabi ko at saka lumayo na sa kanya.

                Ngumiti siya ng napakalapad at saka sinabing, “YES! Nagkaroon na rin tayo ng first kiss, Hubby!” At bigla namang nagkantyawan ang mga tao sa paligid namin.

                Agad naman akong namula sa mga sinabi niya. Naramdaman ko rin na biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulantang lang siguro ako sa mga sinabi niya.

                “Hoy, hindi kita hinalikan! CPR ang tawag dun!”

                Tumayo si Hayley mula sa pagkakaupo niya at saka ako hinawakan sa balikat. “Hubby, wag ka nang defensive. Naramdaman ko.”

                “A-Anong naramdaman mo?” tanong ko.

                “Ah, so gusto mo talagang sabihin ko? Sige. Naramdaman ko yung pagdikit ng soft lips mo sa kissable lips ko!” paliwanag ni Hayley habang nakangiti ng sobra. Pinagnanasahan talaga ako neto. Nilakasan niya pa ang pagsabi niya para marinig ng lahat. “Hubby, first kiss natin ang isa’t-isa! Kinikilig ako!”

When She Courted HimWhere stories live. Discover now