Chapter 20 (The fall)

Start from the beginning
                                    

        Dali-dali nitong hinawakan iyong tali. Nakakapagtaka lang ang ngiting mababakas sa mukha nito.

        "Kassandra, kumapit kang mabuti!"

        "B-Bakit?"

        "KYAAHHH!" Ang lakas ng pagkapalo ni Lucas.

       Bumilis iyong takbo nila.

        "AY! Mahabaging langit!" Muntik ng mahulog iyong kutsero  "Sir! Sir! Baka hikain si Stallone. Tama na ho!"

        "KYAAHHH!"

        Kaya pala, may isang foreigner na patingin-tingin sa kanila. Kasabayan nilang kalesa ito. Hawak din nito iyong tali at parang tsina-challenge pa nito ng karera si Lucas.

        "LUCAASSS! Tama na!" Takot na napakapit siya sa hawakan. Ano ba naman kasi ang pinaggagawa ng sira-ulong ito?

------

       "Hindi na talaga ako sasakay ng kasama ka. Maaaksidente ako!" Sinungitan niya ito, parang gusto na niyang hambalusin ito ng bag.

        Tawa lang ng tawa si Lucas sa likuran niya.

        "Alam mo may sira na talaga yang ulo mo. E paano kung naaksidente tayo."

       "Ikaw naman atleast may thrill. Alam mo, minsan okay din iyong konting excitement sa katawan." Maliwanag ang mukha ng binata halatang nag-e-enjoy ito sa ginagawa nila. "C'mon Kassandra, lets just have some fun. Napansin ko kasing wala ka sa mood ngayon. I just want you to enjoy this trip."

        Darn! Ito na iyong kakaiba kay Lucas. Meron itong kakayahan na baguhin ang mood ng isang tao. Sa tingin pa lang, napapa-oo na agad siya. Mahahawa ka talaga kapag sinusumpong ng pagka-adventurous nito, depende nga lang kung talagang nasa magandang mood si Lucas.

        Napabuga siya ng hangin sabay sulyap sa binata. Tama naman si Lucas. dapat ay sinusulit niya ang pagkakataong ito.

       "Saan ba tayo unang pupunta? Teka, nasa akin iyong travel catalog." Nakuha niya sa bag ang bronchure na binigay ni manager Ram."Sabi dito maganda raw puntahan iyong—"

        "Akin na yan!" Mabilis na inagaw ito ni Lucas. Nilukot sa kanyang kamay sabay pasikretong ibinulsa.

        "ANO BA!?" Nakakapanghina na talaga ang mga pinaggagawa nito.

      "Paano pa natin malalaman kung saan maganda. Akin na yan, Lucas."

     Hinarang niya ito at pilit na kinukuha sa kanya iyong bronchure ngunit mabilis na nakailag si Lucas.

        "Alam mo may mas maganda akong ideya." Lumakad ito ng konti at inunahan siya. "Bakit 'di nalang natin alamin kung saan maganda. Let just surprise ourselves!"

        Inis na napakagat labi siya dahil sa mga kakaibang binabalak nito pero di niya maikakaila sa sarili na naaliw siya sa mga binabalak ni Lucas.

         Maraming turista sa Balwarte. Maraming naglalakad na mga bakasyunista, marami rin na mga nag-aalok ng paninda sa daan. Sa gilid, makikita ang mga sira-sirang lumang gusali. Markado ang mga bakas ng bomba't bala na siyang sumira sa istraktura nito. Nabalutan na ng lumot ang itim at abong mga pader. Sa itaas, makikita ang mga naglalakihang mga kanyon na ginamit pa noong huling digmaan. Mababakas sa paligid ang karimarimarim na sinapit ng mga tao noong panahon ng pananakop.

        "Nakakalungkot..." mahinang usal niya ng mabasa ang isang historical plate sa pader. Halos dalawang daan ang mga pasyenteng namatay sa gusaling tinitingnan niya. Direktang tinamaan daw ito noon ng isang bomba.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Where stories live. Discover now