[Chapter:26] (First Kiss)

760 22 1
                                    

Snow's Pov

"Ngayong tapos na ang pairing ninyo ay maari na kayong lumabas at mag hanap ng mga inyong kakailanganin. Wag na din kayo mag alala sa susunod ninyo pang mga subjects dahil naipagpaalam ko na kayong lahat," pag tapos niyang sabihin iyon ay pinalabas niya na kaming lahat.

Pag labas ay nag hiwalay hiwalay naman kami ayon sa mga pairing namin. Sumandal naman muna ako sa malapit na pader sa labas ng room at inantay maka labas si Flame.

Ilang sandali lang ay lumabas na din si Flame kasama si Rhea. Nag paalam na naman si Rhea ng makita ako. Hanggang ngayon nasa bisig parin ni Flame si Cross na tulog na tulog.

"Hey..," bati niya. Alam kong nag aalangan parin siyang kasama ako, pero wala siyang magagawa dahil mapaglaro talaga ang tadhana kung meron man noon.

"Don't think about it anymore. It's an accident nothing more," blankong sambit ko at tinalikuran na siya.

Naramdaman ko namang nag init ang mukha ko ng maalala ang nangyari kahapon.

~ Flashback ~

Pag tapos kong masiayos lahat ng gamit ko ay lumabas nako ng silid na inuokyupa ko. Pag dating ko sa main gate ng palasyo ay nandoon na sila Lord Reinhardt.

Nagtaka naman ako ng di mamataan ang mga kasama ko. Kaya't pag lapit ko ay agad akong nag tanong.

"Pasensya na at hindi ako nakapag padala ng kawal para sunduin ang mga kasamahan mo. Nag karoon kasi ng pag sabog sa dulo ng siyudad at kailangan agad agapan. Dahil sa dami ng napinsala ay kailangan ko ipadala ang lahat ng kawal doon," paliwanag ni Lord Reinhardt, agad naman akong nag aalala sa mga kalagayan ng mga tao roon.

"Ayos lamang ba ang mga tao roon? Kung kailangan ninyo pa ng tulong ay narito naman ako, pwede naman namin ipagpabukas ang pag balik sa akademya. Maiintindihan naman ni headmaster iyon," suhestensya ko. Nakangiting umiling naman si Lord Reinhardt.

"Hindi na kailangan, maayos na naman ang lagay doon at kaunti lamang ang mga nasugatang mga tao. Nakakatuwang namana mo ang ugali ni Vernon, matanong ko nga nasan naba siya?," biglang tanong ni Lord Reinhardt. Para namang naputol ang dila ko at di naka-sagot agad.

Pinilit ko paring patatagin ang sarili ko at tinignan ng walang emosyon ulit si Lord Reinhardt na nag hihintay sa sagot ko.

"He was killed by a Raven in our house back at mortal world," sambit ko. Nagulantang naman sila sa sinabi ko, lalo na si Lord Reinhardt.

Natuptop naman ni Lady Thea ang bibig at napaiyak. Inalalayan naman siya ni Lord Reinhardt na halatang pinipilit na di maluha sa nalaman.

Xavier Academy || School Of MagicsWhere stories live. Discover now