[Chapter:7] (First Day)

1.2K 30 1
                                    

Special mention and thanks to thisisnxcxlx for the cover!

~*~*~*~*~

Snow's Pov

Dahil sa pagod kagahapon ay maaga kami natulog, gusto pa nga sana kami i-tour ni Abby ngunit talagang napagod na kami sa haba ng byahe at lalo na ako dahil sa pagtulong ko sa aming pagkain kaninang lunch.

Ginawa ko muna ang lagi kong ginagawa tuwing umaga bago dumaretso sa banyo para maligo, maaga akong nagising ngayon lagi naman sa totoo lang.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako ng banyo na nakatapis lamang ang towel sa ibabang bahagi ng katawan ko, napatingin naman ako sa gilid ng kama ko kung nasaan ang aking maleta.

Napahinga na lamang ako ng malalim dahil nakalimutan kong ayusin ang gamit ko kahapon dahil sa pagod. Lumapit na ako sa aparador kung nasaan daw ang uniporme ko, di naman ako nabigo makita ito dahil pag bukas palang ng aparador ay yun agad ang bumungad sa aking paningin.

Kinuha ko ito at sinipat, kulay pulang long sleeves na polo at vest na kulay puti, nasa kaliwang dibdib malapit sa puso ang patch ng academy. Tinignan ko naman ang pants ay simple lang ito.

Sinuot ko muna ang pants ko at isusunod sana ang polo ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Snow? Si Flame to," narinig kong sabi ni Flame, at kumatok muli.

"Saglit lang," sambit ko at lumapit sa pintuan, binuksan ko ito at bumungad nga sa akin si Flame na naka uniporme na rin iba ang uniporme nila sa amin, crimson red long sleeves polo at black vest. Pero kumunot ang noo ko ng makitang naestatwa siya kanyang tinatayuan, at doon ko lang napansin na di ko nga pala na tapos ang pag suot ng polo ko, tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, namula naman siya at nag iwas ng tingin.

"Ahh, mag papatulong sana ako ulit sayo mag luto para sa umagahan natin," mahinang sambit niya ang paningin ay nasa baba.

"Ok, tapusin ko lang ang pag bibihis ko," sambit ko, nag angat naman siya ng ulo at tumango ng mag simula na siya'ng mag lakad palayo ay sinara ko na ang pinto ko at nag simula ulit isuot ang polo, inayos ko pa ang polo ko, tinupi ko ito hanggang sa gitna ng siko ko at sunod na sinuot ang vest.

Tinignan ko ang sarili ko sa full body mirror dito sa loob ng kwarto ko ng makuntento ay lumabas na ako.

Dumaretso nako pababa dahil alam kong dumaretso narin si Flame sa kusina at ng marating ko ang kusina ay nakita ko siyang sina-salansan ang lulutuin namin. Nang makita niya ako ay inaya niya na ako para matapos na agad ang pag luluto namin, pag tapos namin mag luto ay sakto naman ang pag baba ng siyam.

"Hmm, ang bango naman ng niluto ninyo," sambit ni Abby na naka dungaw sa pintuan, nasa likod niya ang kambal at si Matt at Jack. Nilingon ko naman sila.

"Kayong apat, ihanda ninyo na ulit ang mga gagamitin," sambit ko, sumunod naman sila agad, binaling ko ulit ang paningin ko sa inaayos naming pagkain.

"Kuya Snow, mag titimpla na ba ako ng inumin natin?," tanong ni Abby, napalingon naman ako sa kanya, nakita kong tuluyan na siyang naka pasok sa loob.

"No, I already done that," sambit ko, napanguso naman siya.

"Kunin mo na lamang sa refrigerator ang pitsel at ihanda sa mesa, sapat nayun, Abby," sambit ko, tumango naman siya at sinunod ang utos ko.

Nilabas na namin ang umagahan namin, katulad kahapon ay nag dasal muna kami bago kumain, hindi naman ganun katahimik ang naging pagkain namin, dahil sa kambal, at Matt, pati narin si Jack at Jhing na nag babangayan na naman.

Xavier Academy || School Of MagicsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt