[Chapter:15] (Leveling Day part:2)

661 23 4
                                    

Eto na yung update ^^

~*~*~*~*~

Flame's Pov

Natapos ang isa pang laban ng di pa buma-balik si Collins nakita ko kasi silang dalawa ni Prof. Vince na lumabas.Tumingin ako sa pinto ng Arena at nag babaka-sakaling bubukas na yun at iluluwa si Collins na may hawak ng sandata kasama si Prof. Vince.

"Congratulations Mr. Rivera, you now up too 24," sambit ni headmaster. Mukha namang dissapointed yung Rivera. Naka-yuko itong umakyat ulit.

Napatingin kaming lahat sa taas. Huling laban na para sa Commons at susunod na ang Elementals.

"Mr. Snow Edward Collins and Mr. Red Moon Ramos, please come down at the pit," nakita ko namang may lalaking naka-pamulsa ang bumaba sa pit. Pero walang Collins ang bumaba, nakita ko naman nag taka ang mga kasama ko. Tinignan nila ang pwesto nila Collins pero wala talaga siya doon.

"Teka nasaan si Snow?," takang sambit ni Ray.

"Ano bayan kung kailan lalaban na siya doon naman siya nawala," dismayadong sambit ni Lay.

"Nakita ko sila kanina ni Prof. Vince na lumabas," pahayag ni Rhea. Mukhang hindi lang ako ang nakatingin kanina sa pwesto nila Collins, napangisi ako ng may kalokohang naisip.

"Paano mo naman nalaman?," tanong ko sa kanya. Bahagya naman siya natigilan at nag isip ng masasabi.

"Napatingin lang ako kanina, doon kasi galing yung lalaban kanina sa pwesto nila," pag dadahilan nito.

"Oh, come on Rhea, alam mo na alam namin na wala kang hilig manood ng laban ng mga Commons, paano pa kaya tignan ang mga sasalang?,' nakangising sambit ko, nag iwas naman siya ng tingin.

"Ah basta, tigilan mo nga ako Flame di ka naman ganya ah!," reklamo niya, nginisian ko lang siya at tumingin sa isa pang veranda kung nasaan si Headmaster at ang Principal.

Nakita kong may umakyat na propessor at bumulong kay Headmaster. Nakita ko naman na nadismaya si Headmaster at ng hinayang. Tumango siya at tumikhim sa mikropono, napa ayos naman kami ng upo.

Pagtingin ko sa pit ay nakangisi lang ang makakalaban ni Collins habang nakatingala kay Headmaster.

"Nakaka-lungkot man sabihin ngunit wala si Mr. Collins ngayon sa Arena. Dahil wala siya ay ang maitatanghal na panalo at maka ka-kuha ng sampung puntos dahil nandito siya ay si----," naputol ang sasabihin ni Headmaster ng malakas na bumukas ang malaking pinto ng Arena.

Inuluwal nun si Prof. Vince na gulo gulo ang suot na uniporme at madumi ang mukha. Tumingin siya kay headmaster at dumaretso sa pwesto nilang mga staffs at propessor. Ilang saglit lang ay tumambad sa amin ang kaninang hina-hanap namin. Si Collins, walang emosyon ang mababasa sa kanyang mukha, napasinghap ang lahat ng pumasok na siya ng tuluyan. Dahil ang sandatang dala niya ay ang elemental scythe.

Nadaan niya pa ang pwesto ng mga kaibigan niya, nginitian naman nila ito at mga nag taas ng kamao, pinahihiwatig ang suporta sa kanya.

Tumango lang siya at bumaba na sa pit kung nasaan si Ramos na ngayon gulat na nakatingin kay Collins, kumunot naman ang noo ko hindi ito yung gulat na normal. Gulat ito na nag tataka sa kung saan. Pagtingin ko kay Collins ay wala paring emosyon ang kanyang mukha.

Tumikhim si Headmaster para mawala ang tensyon na ngayon bumabalot sa pit.

"Am I late?," walang emosyon na tanong ni Collins at tiningala si headmaster.

Ngumiti naman ang headmaster at umiling. Tumango si Collins at binalik ang tingin kay Ramos na ngayon nakangisi na sa kanya.

"Just in time Edward. So what are we waiting for let's start this duel shall we?," tanong ni headmaster nag ingay naman ang kaniang tahimik na arena. Dahil sa tinanong ni Headmaster.

"YES!," malakas na sigawan nila, nakigaya na din ang tatlo si Abby, Ray, at Lay.

"GO KUYA SNOW!," sigaw ni Abby, napatingin naman sa gawi namin si Collins, tinaas niya ang kamay niya at kinuyom iyon.

Bigla naman dumako ang pulang pula niyang mata sa akin. Nailang naman ako sa titig niya, buti na lamang at inumpisahan na ni Headmaster ang laban nila ni Ramos.

Snow's Pov

Napaiwas na ako ng tingin kay Flame ng simulan na ni tanda ang laban namin ni Ramos. Nginisian niya lang ako. Ilang saglit lang ay nag transform na siya bilang werewolf. Malakas pa siyang umalulong bago tignan ako na parang isang pagkain.

"Hindi ko inaakalang makakaligtas kapa sa pag subok na ginawa ko sa trainig room," sambit niya sa akin.

"Ganun kaba katakot sa akin at nagawa mo pa yun?," nakangisi kong tanong sa kanya. Inangilan niya naman ako at mabilis na sinugod ako.

Nang malapit na siya ay tumalon ako sa gilid. Walang ingay na tumapak ang pareho kong paa sa lapag. Napatingin naman siya sa akin at sinubukang tumigil pero dahil sa momentum niya sa kanyang atake ay nag pagulong gulong siya at dumaretso sa pader.

Tumayo naman ako ng ayos at pinagpag ang suot kong damit. Tinignan ko naman ang pader na pinagsulpukan niya. Nang mawala ang alikabok na humalo sa hangin ay nakita ko siya naka tayo at matalim ang tingin sa akin.

Sinugod niya na naman ako kaya't napatakbo ako, hindi takbong natatakot ako sa kanya kundi takbo na may plano.

"JUST RUN I LIKE HOW YOU RUN! I'll STILL CATCH YOU MY PREY EVEN IF YOU RUN!," rinig kong sigaw niya. Tumigil naman ako ng pader na lamang ang natira.

Hinarap ko siya, nginisian niya ako at dahan dahan lumapit.

"Say goodbye Collins," sambit niya at tinakbo na ang natitirang pagitan namin. Pero bago pa niya ako makagat ay may malakas na pwersa ang nag pigil sa kanya.

Sinubukan niya ito labanan pero tumalsik lamang siya. Tinignan ko naman si Midnight na ngayon buka buka ang bibig nasa likod niya naman si Cross. Tumingin sila sa akin at tumango.

Nilapitan ko naman ang pinagtalsikan ni Ramos. Paglapit ko dito ay bumalik na siya sa human form niya walang pang itaas at sira sira ang pang ibabang damit madami din siyang natamong sugat.

Nilabas ko namana ang scythe ko na nasa likod ko kanina pa. Tinapat ko ito sa leeg niya at nilagyan ng apoy ang buong talim ng scythe, nanigas naman siya sa kinahihigaan. Yumuko ako bahagya.

"Remember this Ramos. I'm no prey, I'am the predator, always remeber that," sambit ko at tinapat sa dibdib niya ang nagliliyab na talim ng scythe. Napahiyaw naman siya ng dumampi sa kanyang balat ang nag liliyab na talim nito.

"That's enough Edward!," rinig kong sigaw ni tanda. Inalis ko naman ang scythe ko at pinawala ang apoy nito sa talim. Bigla naman itong naging gold chain bracelet at pumulupot sa aking kanang kamay.

Bumalik nako sa pwesto ko at ako ang tinanghal na panalo sa laban namin ni Ramos at naka kuha ng 55 points. Hindi ko na lamang pinansin ang mga tingin nilang lahat. Binati naman ako nila Jhing sa pag kapanalo ko at kung ano ano pa. Napatingin naman ako sa leeg ko ng may lumabas doon. Ito na yung I.D ko katulad sa kanila nandoon ang buong pangalan ko at ang desenyo nito ay kulay pula na may dragon at griffin. Pagtingin ko naman sa house na kinabibilangan ko na ngayon ay di nako nagulat. Katulad nila, kasapi na din ako ng supreme circle.

~*~*~*~*~
Hello! Sinong gusto maging character dito sa Xavier Academy? Pm me your name and ako na bahala sa rest.

Dalawang pang lalaking pangalan at dalawang pang babae ok?

Yaan ninyo nako. Pag bigyan ninyo na haha ;)

Votes and comments is really appriciated by the author!

~Yaseuo

Xavier Academy || School Of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon