[Chapter:11] (Leveling Combat Training)

856 18 0
                                    

Snow's Pov

Hingal na hingal kaming napahiga sa gitna ng field ng itigil na nila ang pag papahabol sa amin.

Nakita naman namin na inikutan nila kami.

Umupo naman ako at nakitang may dalang parang candy si Flame. Inabot niya sa akin to at kinain ko naman ito, ilang saglit lang ay parang bumalik ang lakas ko.

"What did I just ate?," tanong ko sa kanya, mukhang binigyan at kinain din nila ang candy na inabot nila Abby. Dahil mga naka upo na din sila at nakikinig sa usapan namin ni Flame.

"Healing candy, It can regain your strength back too," sambit ni Flame. Tumango naman ako at tumayo na, pinagpagan ko muna ang damit na suot ko bago hinarap ulit sila.

"Tomorrow we will start again our stamina training," panimula ni Flame tumango tango naman kami.

"Now it would be individual training with your assigned trainer. I will assign who will be your trainer. Rhea your with Jaycee and Rain. Abby go with Jhing. Ray your with Matthew. Lay your with Jack. And I shall go with him," sambit niya at tinuro ako, tumango naman sila.

Nag simula na silang mag alisan sa gitna ng field kanya kanyang pwesto sa malawak na field.

Tinignan ko naman si Flame na di gumagalaw sa pwesto kaya't di rin ako gumalawa. Nag titigan lang kami doon at nag tatansyahan.

"Be careful master, she's testing your reaction time," sambit ni Cross sa isip ko.

At tama nga siya dahil ilang saglit lang ay nag palabas siya ng ice spike sa baba ko. Tumalon naman ako patalikod para maiwasan ito.

Pag angat ko ng tingin ay tuma tango tango lang siya.

"You have a quite good reaction time, that's good," sambit niya.

"But for now let me teach you how to make them into different objects and animals so people can't see them as mythical creature," sambit niya at tinignan ang dalawa na nasa paanan ko.

"Tell her we art agree, people can't see us with art true form, it's forbidden for us mythical creatures," sambit ni Midnight.

"They said they agree. They said people can't see them in their true form. They say it's forbidden," sambit ko, tinignan naman ako ni Flame.

"So you can talk to them," sambit niya tumango naman ako.

"I will first teach you how to make them in an normal animal form," sambit niya at umupo sa damuhan ganun naman din ang ginawa ko.

"Close your eyes," utos niya, ginawa ko naman yun.

"Find the link between you and your mythical creature," sambit niya, hinanap ko naman iyon.

Ilang saglit lang ay nahanap ko iyon. Mahabang linya ito na umiilaw. Hindi naman nakaka silaw ang liwanag na nilalabas nito.

"Now if you found it. Touch it and connect it to your heart," sambit niya. Hinawakan ko naman ang linya at parang tineleport ako sa puso ko.

Kinabit ko ito sa puso ko at naka ramdam naman ako ng malakas na enerhiya ng i-konekta ko iyon sa puso ko. Narinig ko naman ang alulong nila Cross at Midnight.

"Now open your eyes," sambit niya. Dahan dahan ko naman binuksan ang mata ko.

Nakita ko si Flame na nakatingin sa kamay ko. Pagtingin ko sa kamay ko ay nakita ko sa likod ng palad ko ang isang simbolo. Tinignan ko din ang isa at ganun din yun ngunit kakaiba. Ang nasa kanan ko ay simbolo ng Griffin with a shape of a cross. Ang nasa kaliwa ko naman ay simbolo ng Dragon with a shape of a moon.

Xavier Academy || School Of MagicsWhere stories live. Discover now