Hindi ka na makakaalis.

Nang masigurong nakalabas na ang tagapag-alaga ay muling umupo si Karylle at doon, malaya siyang umiyak hoping that it could lessen the pain inside her. Mahigpit niyang hinawakan ang comforter at doon ibinuhos ang sama ng loob.

Malinaw sa pandinig niya ang sunod sunod na pagtunog ng cellphone niya but she didn't bother looking at the messages she's been receiving. Hindi man niya basahin ay alam niyang puro pangangamusta ang laman ng mga mensaheng iyon. Kung hindi man, paniguradong puno ng awa mababasa niya.

"S-stop." bulong niya while staring at her phone, wishing it to stop from making noises na mas nakapag-papasakit ng ulo niya.

Gaya nga ng hiling niya, huminto sa pag-iingay ang cellphone niya.

Nadako ang paningin ni Karylle sa pagkain na nakapatong sa bedside table niya. It was her usual breakfast. Rice and omelette.

Juice.

Tila nakaramdam ng matinding kaba si Karylle upon seeing the orange juice prepared by Nanay Rose. Kung makita man siya ng ibang tao ay aakalain nilang may sakit siya sa isip. Sinong normal na tao ang matatakot sa isang orange juice?

Nanginginig ang kamay na inabot ni Karylle ang cellphone niya. Kung pagmamasdan ay para siyang isang batang natatakot mapalo ng mga magulang. Para siyang may iniiwasan. Takot na takot siya.

"V-Vhong,"

Sa ngayon ay isang tao lang ang naisip niyang tawagan. Pakiramdam niya'y bumalik siya sa pangyayaring iyon at kinakailangan niya ng tulong ng isang kaibigan.

Wala na siyang matakbuhan.

Kailangan niyang makahingi ng tulong.

Baka sakaling maitama niya lahat.

Ringing...

Ilang beses pa niyang na-idial ang number ng kaibigan bago ito tuluyang sumagot.

"V-Vhong, natatakot ako... Vhong, help me please! He---

Mas lalong nakaramdam ng kaba, takot si Karylle nang biglang mamatay ang telepono at hindi siya nabigyan ng pagkakataong matapos ang sasabihin niya. No one's willing to help her.

Walang kahit na sino ang makakasagip sa kaniya.

"K! Ano ba naman 'yung inumin mo 'tong isang basong juice na 'to?"

"Para naman kaming iba niyan."

"We were classmates since highschool."

"Hindi pwedeng puro ka alcohols. You better try this juice."

"No thanks. Mas prefer ko ngayon ang magpakalasing."

The moment they were forcing her to drink that orange juice, dapat ay nakaramdam na siya. She should've followed what her heart told her to do. Kaso hindi eh. She trusted them. Hindi niya inalis ang tiwalang ibinigay niya sa mga kaibigan. Naniwala siyang hindi siya mapapahamak, but she was wrong. Ngayon ay mag-isa niyang hinaharap ang kapabayaan.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon