*hindi pa sya nakakapag-salita ay biglang dumating si Chaeyeon at hinila sya*

"Oy Kkura tawag ka ni Nako oh!"
sabi naman sakanya ni Chaeyeon at tinuro ang kinaroroonan nila Nako

"A...ano?"
maikli nyang sagot

*halos ilang segundo din silang nag-titigan para mag sink-in sa utak ni Sakura ang sinabi ni Chaeyeon*

"Sige na pumunta kana dun dali!"
sabi naman ni Chaeyeon at akmang itutulak na si Sakura

"Teka niloloko mo ba ako ha! parang hindi naman eh!"
pagmamatigas nya habang nakatingin sa direksyon nila Nako

"Sige naaaa! ililibre kita pag hindi ka nya tinatawag dali!"
sigaw naman sakanya ni Chaeyeon at tuluyan ng tinulak si Sakura papaalis

*tiningnan nalamang sya ni Sakura nang masama at nag simula na syang maglakad...tatawagin ko na sana si Sakura ngunit pinigilan ako ni Chaeyeon*

"Ah Eunbi... di..diba hinahanap mo daw ako... sabi ni Daniel"
sabi nya saakin at tuluyan na ngang nakalayo si Sakura

'sinadya nya ba yun oh ano?'

"Ah oo... kanina pa kasi ako naguguluhan dito eh! diba sabi mo sa meeting eh sayo lalapit yung mga dancers! kaya kahit di ka sumayaw eh tulungan mo parin ako!"
pagpapaliwanag ko sakanya

'Oo matagal-tagal na din nung huli syang sumayaw eh... nakakamiss lang yung mga ganitong sitwasyon'

"Eunbi....diba napag-usapan na natin to?"
sagot naman nya

'Wala naman kaming pinaguusapan pero siguro tinutukoy nya na hindi talaga sya sasayaw ngayon'

"But Chae! You really need to help me! Just help me ok? I won't force you to dance if you don't want to but please help me Chaeyeon~~~~"
sabi ko naman kay Chae at may halong aegyo pa sa huli para convincing

*agad naman syang napangiti saakin at saka sumagot*

"Pano ba naman ako makaka-hindi sayo ha? aishhh ok magsimula na tayo!"
sigaw naman nya at nagsimula ng mag tipon-tipon lahat ng dancers

"Yessss!"
sigaw ko naman sa sobrang saya at kinuha ko na ang laptop ko sa table

'My Bestfriend Lee Chaeyeon is backkkkk!'

*kinuha na nya ang kanyang iPad at isa-isa na niyang tinuruan sila Yena*

___________________________
===========================

SAKURA'S POV

*pagka-imik ni Chaeyeon ay sinamaan ko sya ng tingin at agad na akong nagtungo sa kinaroroonan nila Nako at Hiichan*

'libre pala ha.... lagot ka talaga sakin pag hindi ako tinatawag ni Nako!'
sabi ko naman saaking sarili

*at ng makalapit ako sakanila ay agad kong kinausap si Nako*

"Woy Nakoya! tinatawag mo daw ako?"
tanong ko

"Ha? ah eh kanina ka pa namin hinahanap pero hindi naman kita tinatawag unnie eh!"
sagot naman nya saakin

"Aishhh sabi na eh! bwiset talaga na Jjaeyeon yannnnnn!"
sigaw ko naman sa sobrang inis

'bwiset na Jjaeyeon yan! lagot talaga sya saakin mamaya!'

"Jjae...Yeon?"
tanong ni Hiichan

"Ah oo yun kasi yung..."
hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang magsalita si Wonyoung

The Way I Love YouWhere stories live. Discover now