43. Silicone Saline Poison, Inject Me

Начните с самого начала
                                    

"Nasan pala sila dad at mom?" tanong nya sakin habang sineservan sya ng food ng mga katulong.

"Sa province sila nag-s-stay ngayon, may inaayos silang gusot sa isang hospital natin. Gusto mo bang sabihin ko sa kanila na andito ka para umuwi na sila?"

Umiling si kuya sa suggestion ko.

"No need. Matagal pa naman ako dito sa Bangkok, ayokong maabala ang trabaho nila para sakin."

Hindi na ako nagulat sa naging response ni kuya.

Ganyan talaga syang tao, laging sineset-aside ang sarili.

"Ano pala yung iniisip mo kanina? I'm curious." pagbabago nya sa usapan.

Bago ako sumagot sa tanong ni kuya, sumenyas muna ako sa mga katulong namin na umalis muna dito sa dining room.

Agad naman nila akong sinunod.

"May problema ako sa lovelife." I mumbled.

'Di ako nag-hesitant na mag-open sa kanya.

Sa tingin ko kasi ay kailangan ko rin talaga ng makaka-usap about this matter bago pa ako mabaliw.

"Wow! Bigboy na talaga ang babyboy namin! Luma-lovelife na! Hahahaha!"

"Kuya, seryoso kasi!"

"Haha! Sorry naman babyboy! Kidding aside, ano bang love problem mo? Mukha naman maraming nagkakagusto sayo sa IG, I wonder kung bakit namomroblema ka pa."

"May gusto akong lalaki."

Nanlaki ang mata ni kuya sa sinabi ko.

"Don't tell me na si Drake yang gusto mo? Na-fall ka na sa bestfriend mo?"

Agad akong napa-iling sa sinabi nya.

"Hindi si Drake, 'di kami talo nun. Alam mo namang sobrang babaero nun."

"Kung hindi sya, sino? Atsaka kailan kapa nagkagusto sa lalaki?"

"Recently ko lang sya nakilala, ang pangalan nya ay Wayo."

"Wayo? Parang familiar ang pangalan nya sakin. So anong nagustuhan mo sa lalaki na 'to? All my life, akala ko talaga mahilig ka sa magaganda."

Napangiti ako sa last sentence ni kuya.

"Yun nga ang nagustuhan ko sa kanya. Maganda si Wayo kuya."

"Katoey (ladyboy) ba yan!?" he exclaimed.

"Hindi sya ladyboy. Natural na maganda lang talaga sya."

Nilabas ko ang phone ko para ipakita sa kanya ang picture ni Yo.

"Familiar, sobrang familiar nya sakin."

Napangiwi ako sa sinabi ni kuya.

Hindi kaya napanood nya na ang scandal ni Yo?

Active kasi sya sa social media.

Mas alam pa nga nya sakin ang mga trending dito Thailand kahit nasa Cambridge sya.

"So ano palang problema mo sa kanya? Hindi ba sya open sa m2m relationship?"

"Not like that.." sobrang hesitant ng tono ko ngayon.

"Then what? Wag ka nang mahiya babyboy, tell me para matulungan kita."

"Uhmm ganito kasi yun kuya.. Hot n' cold sakin si Wayo. May time na pinaparamdam nya sakin na gustong-gusto nya ako at may time rin na parang wala lang ako sa kanya."

"I see. May particular reason ba kung bakit sya ganyan sayo or sadyang trip lang nya?"

"Hindi sya nanti-trip kuya, sadyang jaded lang sya dahil sa mga past relationship nya. Parati kasi syang naiiwan at naloloko kaya nahihirapan na syang magtiwala ulit."

ThirstyМесто, где живут истории. Откройте их для себя