Hindi nakatakas sa pandinig ko yung bitterness sa tono ni Yo.

Hmmm.

It seems na mukhang hindi naging maganda ang experience nya sa past relationship nya.

"Hmmmm... I'll admit, gusto nga kitang i-sex Yo. I'm no saint, tulad lang din ako ng ibang lalaki na pangarap maka-sex ang taong gusto nila. But trust me, hindi sex ang main reason kung bakit gusto kita.

Again, napangiti lang ulit si Yo sa paliwanag ko.

"Then ano palang main reason at nagustuhan mo ako?" he asked.

"Nagustuhan kita dahil sa sheer visuals mo. Napaka-ganda mo kasi Yo, na-awestruck ako sayo noong una tayong magkita. Pero ang main reason talaga kung bakit gusto kitang i-pursue ay yang mga mata mo."

"My eyes?" takang-taka yung tono nya.

"Yup, your eyes. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko ay parati akong kinakausap ng mga mata mo. Para bang sinasabi nya sakin na malungkot ka at kailangan mo ng protection. Ayun, the next thing I knew ay gusto na kitang pasiyahin at alagaan."

"Grabe. Hindi ko alam na capable ka palang mag-isip ng ganyan, I'm impressed. Don't get me wrong Frank, pero ang tingin ko talaga sayo nung una ay childish brat."

"Well, childish naman talaga ako at times. Pero kapag dating sayo Yo ay pakiramdam kong nagma-mature ako."

"Hahahaha! May ganun? Ilang taon kana pala Frank?"

"18 na ako, ikaw?"

"Almost 20."

"I see, wala namang kaso sayo kung mas bata ako sayo 'di ba?"

"Hmmm.. Walang kaso sakin ang edad, ang totoong nagma-matter sakin ay yung traits ng isang tao. And by the way, congrats sayo."

"Congrats? For what?" pagtataka ko.

"Dahil nasayo yung traits na hinahanap ko."

"Traits ko? Anong traits ko ang nagustuhan mo?"

"Uhmm, yung straightforwardness mo at courage. Natutuwa ako sayo dahil kaya mong sabihin lahat ng nararamdaman mo right on my very face."

Fuck!!!

Ang ibig ba nyang sabihin ay mataas na ang chance ko sa kanya?

Grabe!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"I see. Ayokong maging assumero pero ang ibig mo bang sabihin ay may pag-asa ako sayo?"

"Hmmm. Sort of. Honestly, I kinda like you now as a person. I mean, I think you're worthy. However..."

Hindi tinapos ni Yo ang sinasabi nya.

"However?" napatanong tuloy ako.

"However... limited lang ang mga bagay na kaya kong i-offer."

"What do you mean?"

Akala ko sasagot pa si Yo pero bigla syang tumayo.

Hinawakan nya ang kamay ko at nag-gesture na 'sama ka sakin'.

Damn.

Hindi agad ako naka-respond dahil na wonderstruck ako sa lambot ng kamay nya.

Natauhan na lang ako nung hinila nya ulit ako.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"Sa kwarto ko. Ipapakita ko sayo ang ibig sabihin ng word na limited."

Huh?

Kahit medyo naguguluhan ay sumunod na lang ako sa gusto nya.

"Ready?" tanong nya sakin nung makapasok kami sa loob ng kwarto nya.

ThirstyWhere stories live. Discover now