"Your Sweet Revenge"

13K 179 7
                                    

Hello!!! This is my first entry here. Sana magustuhan nyo. Gnawa ko pa to nung summer (alang magawa e, HAHA)

Light romance lng ito at hindi tlga masasabing pang expert na ung dating. Just give it a try. Pagbigyan nyo na ako, minsan lng ako nagiging tao. Haha jk!

Meet Calvin and Candy. Basta, masasabi ko lng ang GULO nila kausap! Ta-ta! :)

o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o

                                                                          CHAPTER ONE

“CONGRATULATIONS, Candelerina!” alam niya kung kaninong boses iyon. Paano ba niya makakalimutan ang masayahin at bibong tinig ng kanyang abuelang si Donya Ava? At paano niya makakaligtaan ang nag-iisang taong tumatawag sa kanya gamit ang napaka “modern” niyang pangalan?

“Lola, I told you to stop calling me by that name.” Naiiritang sabi niya. “Geez, pangalan pa ba ang matatawag mo diyan?” biro pa niya.

“Naku, Candelerina. Kaya hindi ka nagkakanobyo eh, ang sungit mo.” Sabay pisil sa ilong niya. Oh, how she loved her grandmother. Ito na ang tumatayong nanay at tatay niya simula noong mapagpasiyahan niyang bumukod sa mga magulang.

“By the way, thanks for congratulating me Lola.” Sabay bigay ng napakatamis na ngiti dito. Bigla na lamang niya naalala ang dahilan ng maligayang pagbati nito.

Kakalabas lang ng resulta ng mga pumasa sa exam. She had been waiting for this day. Ngayon, malalaman na niya ang kalalabasan ng magdamagang pag-aaral at ilang taong pagsasakripisyo. Sa simula’t sapul ay pangarap na niyang maging doktor at sa mga sandaling ito ay isang hakbang na lang ang layo niya sa kanyang pangarap. Unti-unti siyang lumapit sa bulletin board kung saan nakapaskil ang pangalan ng mga pumasa. Napigilan niya ang kanyang hininga nang mahanap niya nag kanyang pangalan.

Nakapasa siya! Siya ang ika-sampu sa mga kumuha. Napakasaya niya. Dali-dali niyang tinawagan ang kanyang abuela at binalita rito ang natanggap na magandang balita. Ito na ang araw upang patunayan ang kanyang sarili bilang isang matatag at kapakipakinabang na babae.

“Hindi na ako nagtataka, apo. Manang-mana ka talaga sa akin. I’m so proud of you” buong pagmamalaking sambit ng kanyang lola na nagpabalik sa kanyang huwisyo. She knew she was loved.

“O, bigla kang nawalan ng boses diyan. Himala ata ito!” Nagakatawanan sila. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono. Madaling sinagot niya ito at binati ang sa kabilang linya.

“Anak, Candy, kumusta na ang lola mo diyan?” nang-uusisang tanong ng mommy niya. Bago pa man siya makasagot ay may dinugtong na ito. “Ba’t ang lakas ng music? May party ba diyan?” tanong uli nito. Gaya ng dati wala pa rin itong alam sa kung kasalukuyang nangyayari sa kanya kapag hindi pa niya ito binabalitaan. Sanay na rin siya, hindi na iyon bago.

Siya si Candelerina Yzaguirre. Panganay na anak ng mag asawang Carmelo at Evangelina Yzaguirre, isa sa mga pinakamayamang pamilya sa bayan nila. Ang kanyang ama ang nangangasiwa ng kanilang business sa paggawa ng mga sapatos at iba pang itinayong negosyo nito. Ang mommy naman niya ay isang kilalang international chef at madalas din itong guest sa mga sikat na cooking shows.

Mayroon siyang dalawang kapatid na lalaki ,si Cameron na nasa abroad at nag-aaral ng Law at si Caleb naman na kumukuha ng Engineering. Only girl siya at ang tanging matino  sa kanilang magkakapatid. Overprotective rin ang mga kapatid niyang lalaki kahit mas matanda siya sa mga ito. Sobrang close sila kaya nga noong lumipat siya sa Maynila ay palagi niya itong nami-miss.

"Your Sweet Revenge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon