Chapter Ten - The 'Gay' Pay

Magsimula sa umpisa
                                    

Chin up. Diretso lang Aerith. Wala kang naririnig.

"So feeling mo maganda ka para daan-daanan lang ako?" sinasabi niya habang naglalakad ng mabilis para masabayan ako. "Hooy!" hinarang niya ako.

"Wala akong sinabing maganda ako." poker face lang ako.

"E bakit mo nga ako nilagpasan?" kulit kulit naman nito. Tas yung itsura niya parang bata lang. Pwede na. Haha.

"Bakit? Bawal?" sagot ko naman as the pambansang mataray. Nakaharang pa din siya. Seems like he's not convinced. Well. "...Sooo. Feeling mo pogi ka para hindi kita lagpasan?" then I grinned.

That statement of mine stopped him from uttering more. So he just shut up. And said. "Oo na. Panalo ka." 

Hinawakan ko siya sa balikat at tinapik tapik na parang nonverbally kong sinasabing Okay lang yan.

Napatingin ako sa orasan ko at 5 minutes na lang. Nagmadali na akong naglakad papalayo kay Titus. Medyo nakakalayo na ako sa kanya nung sumigaw siya. "AERITH!.." lumingon ako sa likuran ko. "...MAY KASALANAN KA SA AKIN NUNG AKSIDENTE! AANTAYIN KITA SA LABAS NG CLASSROOM NIYO PAG UWIAN NIYO NA." seryoso yung mukha.

Seryoso? Anong kasalanan? Alam niya na kaya na ako yung dahilan nung aksidente? Lagot ako nito. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Dahan-dahan naman akong naglalakad pero grabe. Hanggang sa nakarating na ako sa classroom at para lang akong lutang na  ewan.

Airconditioned naman yung classroom pero OA ako magpawis. Parang nagko-Korean na yung mga Professors, hindi ko na sila naiintindihan. Parang may kung anong barrier na pinipigilang ma-absorb ng utak ko yung mga tinuturo. Nakatitig ako pero hindi ko naiintindihan. Nagsusulat ako ng notes pero parang naliligaw ng landas yung ballpen ko.

I was like. WhateverYouAreTalkingAboutTeachersIDontCare WhenThisClassEndsI'amSoSoSoDead.

Yung araw-araw gusto kong bumilis yung oras kapag nagkaklase tapos ngayon. Owmaygash! Please slowmotion please. But no.

The Game Over signal has been said.  "Class dismissed." Uwaaaa. 

Hinawakan ako sa balikat ni Tamica. "Okay ka lang? Parang kanina ka pa tensed."

"Ha? Hindi ah. Sige, uwi ka na. May aayusin pa ako sa gamit ko."

"Sige. Ingat ka ha." sabi niya sa akin at tumango na lang ako.

Nagpatagal pa ako sa loob hanggang sa ubos na yung tao. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para kung sakaling bugbugin ako eh kaya ko. WHOOO!

Unti-unti akong humawak sa doorknob. Binuksan ko ng onti para sumilip. At isinara ko agad.

Owmaygash! Andun siya. Andun siya. Nag-aantay. Pano kung alam niya na. Ano pa bang ibang kasalanan ko. Yun lang namang pagkamatay ng pinakamamahal niya dahil sa akin. OMG. Hindi ko ata kakayanin. Baka paglabas ko may mga nakatutok sa king baril? Baka sipa-sipain ako. 

Sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok ng puso ko. Sumasakit na. At tsaka yung utak ko. Napra-praning na ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa dami ng tumatakbo, tumatalon, nagcra-cramping, nag-plaplanking na thoughts sa utak ko. 

Love is a Fallacy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon