HTWTB XLIII: FamBam

262 4 0
                                    

How to win this Battle
Chapter 43

We stayed like that for a bit then umayos sya at pilit na ngumiti sa akin. He told me the truth— that he misses his Mom at nalulungkot sya sa naging kinahinatnan nila ni Bas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para maging okay sya, kaya ang ginawa ko, inaya ko syang mag lakad-lakad.

We were walking on the shoreline hand in hand while watching the sunset. Everything is so serene that it makes me think na nasa isang paraiso ako. Pero hindi pa pala dun nag tatapos ang munting panaginip ko, kasi matapos namin sa beach, dumiretso kami sa Tagaytay.

We wento to Starbucks to grab some coffee. Hindi naman talaga kami nag tagal, sumaglit lang kami then we drove to Alabang. Kung saan-saan kami napadpad nun, tapos nung narealize namin na wala naman talaga kaming pupuntahan, huminto kami sa Starbucks Alabang para bumili ulit ng kape. There, he asked me kung saan ko gusto mag punta so I told him na gusto kong puntahan ang McLaren’s, a pub which is located sa San Juan.

I laughed after that, napaka-absurd naman kasi ng idea. Like, hello? Ang layo ng Alabang sa San Juan. At pupunta lang kami ron para lang masatisfy ang pagka-baliw ko sa HIMYM? I was really expecting na tatawanan lang rin ako ni Ace at sasabihin nyang sa susunod nalang. Pero hindi, ang sabi nya gusto nya rin daw makita yung lugar na kinababaliwan ko. So ayun, nag punta nga kami.

Baliw na nga kaming maituturing, kasi pagkatapos namin sa pub ay umikot kami sa Tomas Morato, Quezon Avenue at sa Novaliches. We even went to seven eleven para bumili ng chips and soda then tumambay kami sa isang footbridge at 4 in the morning para panuorin ang mga sasakyang dumadaan. Hindi ko alam kung anong trip ni Ace sa buhay, pero andito ako . . . kasama nya.

“Kapag nalulungkot ako, usually pumupunta ako sa matataas na lugar at tulad nito, pinapanuod ko yung mga sasakyang dumadaan.” sabi nya sa akin habang nakatingin sa akin ng diretso.

I smiled back. “Sa susunod na malulungkot ka, just give me a call. Kahit busy ako, iiwan ko yun para samahan kang panuorin ang mga sasakyan.”

Tumawa sya sa sinabi ko at ako naman, pinanuod lang sya. I felt my heart flutter when he laughed. When he’s happy, I’m happy.

Tumambay kami sa footbridge hanggang sa nag simula ng lumiwanag at nag sisimula ng mag ayos ang mga street vendors at pati na ang mga vendors dito mismo sa footbridge. Unlike Cinderella, I have til morning to enjoy my fantasy.

Bumalik na kami ni Ace sa sasakyan nya at nag drive na kami pabalik ng Makati. Sa kotse na ako nag check ng phone at halos sumabog na ito sa dami ng text ni Kuya. Ayun, napapraning nanaman. Sinabi nya rin na nauna na sila ni Dim na umuwi kasi coding sya bukas- I mean, ngayon. Nung nalaman ni Ace yun, sabi nya ihahatid nya daw ako sa bahay para ‘di na ako mag taxi.

“Sure ka?” tanong ko sa kanya pag dating namin sa condo.

“Yeah, anong oras kita susunduin?”

“Uh, 2pm nalang para makatulog ka kahit saglit.”

* * *

It’s 2 pm and I heard a knock on the door. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at tumakbo papunta sa pintuan. I already knew who it was anyway kaya agad ko itong binuksan. I had this silly grin plastered on my face when I opened the door. But when I did, I was surprised. He’s wearing a navy blue cardigan at white v-neck shirt and his hair’s sticking up na tila nilaro ito ng hangin.

“Bas,” I said, confused. “What are you doing here?” pilit kong ngumiti sa kaya.

“Uh, your Mom asked me to pick you up.” he said.

I cocked my brow. “I didn’t know na close na pala kayo ni Mom.” pabiro kong tugon sa kanya, pero may kasama ‘yong pagtataka.

“Oh, we’re pretty close,” he said smilingly. “Ready?”

How to win this BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon