HTWTB V: Meeting the despicable guy... again.

561 10 1
                                    

How to win this Battle
Chapter 5

The first week went by so fast, 'di ko nga naramdaman e. Time sure flies when you're wasting your life. These past few days, wala akong ibang ginawa kundi ang punahin yung mga babae ni Ace. Iba-ibang babae ang dala nya sa tuwing nakikita namin sya.

Sawang-sawa na akong sakyan ang mga palabas nya. Sa tuwing may babae syang dala, ipinapalabas nya na sya pa lang yung babaeng ipinakilala nya sa amin. Yung babae naman paniwalang-paniwala sa munting palabas ng mokong.

Seriously, I need to get a life. Napapagod at nagsasawa na ako sa ganito. Paulit-ulit nalang.

A familiar song broke through my thoughts at narealize ko na phone ko yung tumutunog, so I fished it out of my pocket at tinignan yung caller ID. Napabuntong hininga nalang ako nung makita ko kung sino ang tumatawag.

Minsanan lang tumawag sa akin si Ace. At sa tuwing tatawag sya, either may 'importanteng bagay' daw s'yang kailangan sa akin a.k.a manghihingi ng favor, o di kaya'y talagang gusto nya lang akong bwisitin.

"What?"

"Hindi ko alam na yan na pala ang bagong hello." he chuckled, "Anyways, asan yung mga kapatid mo?"

"Do I look like a freakin' help desk officer? Hindi nakatali sa bewang ko yung mga kapatid ko kaya wag mo silang hanapin sa akin."

"Ang sungit mo naman, mahalin kita dyan e." tumawa sya ng tumawa matapos nyang sabihin yun kaya mas naasar ako. Ba't kaya 'di mo yan totohanin?

"Fuck off!" I said, clearly pissed. With that, I dropped the call.

Tatawag na nga lang, mambubwiset pa.

Habang naglalakad ako sa crowded na hallway papunta sa library, may biglang sumabay sa akin sa paglalakad. Isang lalake na 'di ko naman kilala. Sino ba 'to? Anong kailangan nito sa'kin?

"I know you." he said, smiling all cheeky at me. He kinda irritates me, masyado kasing to the highest level ang energy nya. Uminom siguro 'to ng sandamakmak na happy pill.

Tinaasan ko sya ng kilay at ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa dinadaanan ko.

"Well, I don't know you. Get lost." pagtataray ko.

"You're cupcake girl."

Huminto ako sa pag lalakad at tinignan ko sya ng maigi this time at talagang pilit kong inalala ko yung mukha nya. Hindi ako matandain sa mukha ng tao kaya hindi ko sya maalala agad. And when I did, I death-glared him.

"You're the pervert who groped Robin's butt last week!"

Medyo malakas yung pagkakasabi ko nun kaya naman nag tinginan yung ibang tao sa amin.

"Pervert talaga yang si Sebastian." sigaw nung isang babae na nakatayo malapit sa amin at nag hiyawan naman yung mga kasama nya.

Ngumiti lang sya sa kanila bago nito sinenyasan na manahimik. Matapos nun ay ibinaling nya ulit sa akin yung atensyon nya.

"Look. I am not a pervert, okay? I am just appreciating Robin's smokin' ass."

Ang kapal talaga ng mukha. Habang patagal ng patagal ko syang tinitignan, unti-unti kong naaalala kung saan ko sya unang nakita.

"Ikaw din yung sa airport! Sinabi mo na I have a really nice ass. What the hell is wrong with you?"

"Talaga sinabi ko yun? Patingin nga?"

Nung iginalaw nya yung kamay nya, agad ko itong hinawakan and I twisted it papunta sa likuran nya para 'di nya ito maigalaw.

"A-a-aww. I'm kidding. Hindi na ako uulit, promise."

How to win this BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon