HTWTB XXVII: Sana nga...

284 5 1
                                    

How to win this Battle
Chapter 27

"Kayo na ni Ace diba?" tanong sa akin ni Dim nung makita nya akong nakatambay sa garden swing ng bahay namin.

Umuwi ako kasama ng mga kapatid ko dito sa bahay, and I'm waiting for my mom and dad to come home. Hindi sila naka-attend sa mini family gathering kasi pinuntahan nila ni Mom yung friend nila. Sa pagkakaalam ko, close friend nila yun ever since college.

Tumingin lang ako sa kakambal ko at ngumiti. Alam kong alam na nya ang ibig sabihin nun. Alam kong 'di siya pabor sa nangyayari. Sino ba naman kasing papabor kung ang kapatid mo dalawa ang jowa diba? Pero ayun nga e, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko naman talaga boyfriend si Basty at palabas lang ang lahat pero ang sabi ni Bas, wag daw kasi di pa ito ang tamang oras. Kaso kagabi, hindi ko na napigilan at nasabi ko na kay Ace yung totoo.

"I love you, at dahil mahal kita, sasabihin ko 'to sayo." huminga syang malalim, "You're pathetic."

Napataas ang kilay ko, nagulat kasi talaga ako sa sinabi ng kakambal ko. Mahal nya daw ako kaya sinabi nya yun sa akin. Ang sakit nya magmahal ha. But wow, didn't see that one coming.

"Pardon?"

"We were raised by a wonderful woman, she taught us to respect everyone and to never take someone for granted. Pero ng dahil kay Ace, nagagawa mong manggamit ng ibang tao, and to top it all off, nagawa mo pang lokohin ang lahat. Tindi mo." he shifted his gaze saka tumalikod sa akin, "Nag bago ka na."

Every word fuckin' hurts. Tila para akong may nakabukang sugat na pinapatakan ng kalamansi, sobrang hapdi.

"Sinabi ba ni ate sayo?" si Ate lang naman kasi yung sinabihan ko ng about sa amin ni Basty. Napakadaldal talaga nung babaeng yun.

"Tingin mo ba tanga ako para di mapansin na may nag bago sa inyo ni Ace? And no, hindi sinabi ni Ate. Hinala ko lang yun and you just confirmed it."

Shit. Wise move Dim, dyan ka talaga magaling— sa panghuhuli ng sekreto.

"That's the dumbest thing na ginawa mo Verna. Tingin mo ba...—" hindi nya na natapos yung sinasabi nya kasi narinig namin ang malakas na boses ni Ate.

"Guys! Mom and Dad's here."

Ang ingay talaga ng bunganga nitong si Kaevy, sarap lagyan ng stapler. Minsan mas matinis din yung boses nya kesa kay Blake kaya mas nakakairita. Sa mga oras na 'to, sobrang kinakabahan ako. Three years ko na rin kasing di kinakausap si dad.

"We'll talk again later." sabi ng kakambal ko at humakbang na paalis pero bago pa man sya tuluyang makalayo sa akin, tinawag ko ang pangalan nya kaya napalingon sya ulit.

"Please don't stand in our way Dim. Because I swear, if you do anything na makakasira sa amin ni Ace..." I bit my lower lip and gulped, "I'll forget that you're my twin brother."

*   *   *   *   *

I was so busy preparing para sa sem-ender party namin nung may kumatok sa pintuan ko. Hindi naman yun naka-lock kaya pinapasok ko na kung sino man yung kumakatok and it turned out to be my mom.

"Hey, haven't seen you in a long time." tugon nya at malambing nya akong nginitian. Oh no, I know that smile and that look! Alam na alam ko ang mga yan.

"What is it mom?" sagot ko naman habang sinusuklay yung buhok ko.

Ginagawa nya lang yan kapag may gustong-gusto syang ipagawa sa akin. It's amazing how I can distinguish her smile. At tila alam ko na kung ano ang ipapagawa nya sa akin.

"Fine, I'll talk to him after kong mag-ayos. Happy?"

"Thank you, anak." sabi nya sabay halik sa ulo ko. Napa-irap nalang ako sa kawalan, 'di ko kasi matiis si Mommy e.

Ang sarap talaga sa pakiramdam nung tinatawag kang anak ng magulang mo. Parang may something sa word na yun na nag papagaan ng damdamin ko. Maybe because feeling ko, I really belong into this family sa tuwing tinatawag akong ganon? I don't know.

At dahil nga kakausapin ko si Daddy, tinulungan ako ni mommy na mag-ayos. Matapos yun ay niyakap nya ako ng mahigpit, enough para maramdaman ko yung pagmamahal nya.

"Dati rati nakikigamit ka lang sa lipstick ko at sinasabi mo na lagyan kita nun kahit na ang bata-bata mo pa para mag make-up," nakangiti nyang sambit pero tila malungkot yung mga mata nya, "Ngayon you're all grown up. May boyfriend ka na nga e." said Mom. Ngumiti lang rin ako sa kanya, medyo sensitive pa kasi ako sa topic na yan e.

"Pupuntahan ko na si dad." pagbabago ko sa topic. Baka kasi mag taong pa sya ng kung anu-ano tungkol sa boyfriend ko e.

Sa dulo ng hallway yung kwarto ko pero hindi naman masyadong malayo ang lalakarin kasi tatlong kwarto lang naman ang pagitan ng kwarto ko at kwarto ng parents ko. Pag dating ko sa harap ng pintuan, huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.

"Who is it?" rinig kong tanong nya mula sa loob.

"Dad, si Verna 'to."

"Pasok ka." sagot nya at ginawa ko naman.

Pag pasok ko, amoy ko na agad yung aroma ng kapeng iniinom nya. Nakaupo sya sa reclining chair na nakaharap sa garden namin. Habang nag lalakad ako papunta sa kanya, nakangiti sya sa akin at sinenyasan ako na maupo sa tabi nya. May bean bag kasi dun sa tabi ng upuan nya, yun ang madalas kong inuupuan dati pa. Actually, now that I think of it, ngayon nalang ulit ako nakapasok sa kwarto na 'to.

"Kamusta?" pauna nyang tanong nung nakaupo na ako sa bean bag.

"Okay lang." maiksi kong sagot habang nakatingin lang sa labas.

Ilang saglit pa ay nanaig na sa amin ang nakakabinging katahimikan, buti nalang at nauna nyang basagin ang katahimikan na yun.

"Galit ka pa rin." marahan nyang tugon sa akin.

Not a question, but a statement.

I looked up and met his eyes, "I'm not mad. I'm just... indifferent." I smiled bitterly, "Nasaktan ako kasi hindi ka naging tapat. Hindi ko lang inexpect na yung taong pinagkatiwalaan ko ng buong puso ay magagawang gawin yun sa amin... sa akin."

I stared intently into his eyes, not letting my eye contact waver. He sighed and took a deep breath.

"I made a mistake," tiningnan nya ulit ako, "But I don't regret doing it."

Ayoko na sa pinaguusapan namin, ayokong pilitin ang sarili ko na mag stay pa kahit gustong-gusto ko ng umalis. Parang tinutusok ulit ang puso ko.

Gusto kong umalis kasi hindi ako makahinga. The pain is too much, to the point na nakaka-suffocate na.

"I'm sorry Verna." sabi nya nung tumalikod na ako sa kanya kaya napalingon ulit ako at nakita kong nakatingin sya ng seryoso sa akin.

"Sorry? Sana nga dad," I said with a bitter smile, "Sana nga nadadaan lang sa sorry ang lahat. tapos okay na." with that, I left.

How to win this BattleWhere stories live. Discover now