HTWTB XXXII: Happy Place

295 6 1
                                    

How to win this Battle
Chapter 32

Sa buong byahe, bumirit lang kami ng bumirit ng iba't-ibag kanta hanggang sa makarating kami sa aming paroroonan. Hindi ko alam ang lugar na 'to, ito yung first time ko dito. Naririnig ko na sya before sa mga kaibigan ko at mga kakilala, pero never pa akong nakakapunta.

"Welcome to Enchanted Kingdom!" sabi sa akin ni Bas pag labas namin ng kotse. Kitang-kita mo yung excitement mula sa mga ngiti nya.

"Hindi naman ako nag-eenjoy sa mga ganito, e." hindi kasi talaga ako mahilig sa mga theme park simula nung bata pa lang ako. Takot kasi ako sa ibang mga rides kaya di ako masyadong nag-eenjoy.

He may look like  a cool grown up man, but really, he's a kid at heart. Natutuwa sya sa mga maliliit na bagay tulad nalang ng cotton candies. He really likes cotton candies. Tapos ngayon naman, di sya mapakali sa tuwa.

Bumili sya ng ticket naming dalawa at matapos yun ay pumasok na kami. Hindi pa masyadong crowded kasi kakabukas pa lang ng EK, mamaya-maya pa daw malamang dadami yung tao dito. Wala syang pakealam kahit na maraming tao ang tumitingin sa kanya, basta sya, nag eenjoy lang. May mga nagpa-picture sa kanya tapos ayun, pinagbibigyan nya naman.

"Hala! Gelo? Gelo Benitez! Ikaw nga! Ikaw nga!" sabi nung batang nakasalubong namin na sa tingin ko'y 9-10 years old. Tinignan sya ni Basty at nginitian. Natawa ako kasi kilig na kilig yung bata at tila mababaliw na sa saya.

"Gusto mong kuhanan ko kayo ng picture?" tanong ko sa batang babae. Tumango sya pero parang nahihiya pa. Ibinigay nya sa akin yung phone nya at kinuhanan ko sila. Niyakap sya ni Bas mula sa likuran kaya makikita mo sa picture na kinikilig yung batang babae.

Nung iniabot ko na sa kanya yung phone, ngumti sya sa akin at nag pasalamat.

"Ate ang ganda nyo naman po, pwedeng picture din po tayo?" utas ng batang babae at natawa naman ako nun saka kami nag picture, "Salamat po, ipapakita ko 'to sa mga kaibigan ko. Sasabihin ko ring na-meet ko na yung girlfriend ni Kuya Gelo." dadgdag nya at agad na tumakbo paalis kaya 'di ko nasabing di ako ang girlfriend ng mokong na 'to.

Nag lakad kami papunta sa Flying Fiesta, yun kasi ang unang gustong sakyan ni Bas. Siguro mangilang beses na 'tong nakapunta ang kumag na 'to dito. Parang alam na alam nya na ang mga rides dito e.

"Bas, bakit wala ka pang girlfriend?" tanong ko sa kanya nung malapit na kami makapasok. Wala pa kasing masyadong pila nun kaya mabilis lang. Hindi nya ako sinagot, instead ngumiti lang sya at nag shrug.

"Bakit nga?" pangungilit ko pa.

"Wala lang, pero mahal ko na yung crush ko."

Tumango-tango lang ako tapos naisipan ko syang biruin, "Baka ako yan ah! Hahaha." tinitigan nya lang ako panandalian at nilagay nito ang malaki nyang kamay sa mukha ko.

"Talk to the hand. Feeling mo naman." He replied. Hindi ako nakasagot agad kasi hello? Napahiya kaya ako kahit biro lang, "Nga pala, bagay sayo yang inuupuan mo Sue... single." tumawa  sya ng tumawa nun at nag pout naman ako. Alam kong single ako, di nya na kailangan pang ipaalala. Palibhasa dun sya nakaupo sa pang dalawahan.

Ilang saglit lang ay unti-unti ng umaangat yung inuupuan namin at nag simula ng umikot. Tuwang-tuwa ako kasi feeling ko lumilipad ako as it gradually increases its rotation speed. I felt free from everything.

"Sue." tawag nya sa pangalan ko at lumingon naman ako. Kinukuhanan nya ako ng video so nag smile at kumaway ako.

Matapos dun, sunod naman naming pinuntahan yung anchors away. Sabi ko nga kay Bas pag sunod-sunurin namin yung rides e, para di na kami pabalik-balik. Pero sabi nya okay lang daw kasi mas masaya daw yung ginagawa namin ngayon. At sa mga oras na yun, tinanggap ko na sa sarili ko na talagang mapapagod ako sa araw na 'to.

How to win this BattleWhere stories live. Discover now