HTWTB XIX: Hey Spikey!

381 5 0
                                    

How to win this Battle
Chapter 19

"I love you." huminga sya ng malalim at ngumiti. He's emitting tons of happy aura around him, kaya siguro ang saya din ng mga tao sa paligid nya. I was smiling like crazy the moment he took the ring out from his pocket,  "I love you every single day." and then there was silence.

"Oh godamnit! Just say yes already!" hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nasabi ko nalang. Affected lang masyado? Wish ko lang ako yung girl.

I also want to experience that kind of moment. Well actually, I think most girls would love to have that special moment din naman, hindi lang ako. We deserve that kind of love and effort kahit na minsan napaka-moody at ang hirap intindihin ng mga babae.

After interrupting them, nag sorry lang ako then I walked out of the restaurant. Nagugutom pa naman ako, oh damn it! Nakakahiya yung ginawa ko, napaka-pakialamera ko naman kasi kaya umalis nalang ako imbes na kumain.

Habang nag lalakad ako sa kung 'di ko alam kung saan, nakakita ako ng korean store kaya pumasok ako dun. Okay na din 'to, kesa naman sa mag lakad pa ako ng mag lakad, may makakain rin naman dito.

Bumili ako ng ramem, kimbap, banana milk, skewered sausage, at konting snacks na pwede ko kainin mamaya habang nanunuod ng movie. Hindi uso sa akin ang diet! Nakaka-frustrate na kasi, bakit hindi pa nag a-I love you sa akin si Ace? Kanina lang ang pinoproblema ko e yung kahihiyang ginawa ko, pero habang patagal ng patagal, nakakaramdam na ako ng frustration. Oo, may mga signs na si Ace pero kulang yun e, gusto kong marinig mismo mula sa kanya yung tunay nyang nararamdaman. Actions without words are just for show, and words without actions are lies.

Me: (To Ace Romero)

Yes, iniba ko na yung contact name nya. Hindi na superman kasi he's no superman, he's simply my only one. Ayokong maging superhero sya kasi sabi nga sa movie na Spiderman, with great power comes  great responsibility. Ayoko ng ganon! Ayokong maging responsable sya sa iba, gusto ko akin lang yung time nya, yung attention nya, at yung pagmamahal nya. Gusto ko akin lang sya. 

Do you love me?

I was mentally slapping my face right after sending the message. For sure magmumukha nanaman akong tanga sa paningin ni Ace, just great. Pero what's done is done, wala ng bawian. Isa pa, matagal ko na rin namang itinatanong sa kanya yun but he never gave me a direct answer. Nakakagago na.

Nag antay ako ng reply nya habang kinakain ko sa loob ng convenience store yung mga pinamili ko. Every three minutes ko yata chinicheck yung phone ko pero wala talagang reply kaya nag focus nalang muna ako sa pagkain.

Ilang minuto na ba? 30 minutes? Naubos ko na lahat-lahat pati yung snacks na dapat mamaya ko pa kakainin pero wala pa din akong natanggap na reply! Napabuntong hininga nalang ako. Ilalagay ko na sana yung phone ko sa bag ng bigla naman itong nag vibrate.

Ace: Verns, labas tayo mamaya? :)

Ang tanong ko kung mahal mo 'ko, ba't ganito ang reply mo? Punyemas! Or oh my gosh! Baka magtatapat na sya sa akin mamaya. Hindi naman malabong mangyari yung diba? Diba? Diba

Kaya ako namang si baliw, ayun agad na nag reply. Wala nang pagpapakipot pa.

Agad akong lumabas ng convenience store at nag abang ng taxi, uuwi ako ngayon sa condo para makapag ayos. Ayokong mag mukhang basahan kapag tinanong nya na ako kung gusto ko maging girlfriend nya no.

The taxi drive felt like forever. Sa nag uumapaw na excitement siguro kaya di na ako makapag-antay. After 20 minutes or so, nakarating din naman agad ako sa paroroonan ko. As I was about to enter the premises, I saw a familiar face na sya namang nag pangiti sa akin. Halata mo talaga sa mukha nya na nagulat sya ng makita nya ako.

How to win this BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon