HTWTB XXXIII: Just like that...

288 5 4
                                    

How to win this Battle
Chapter 33

2 days. It's been two goddamn days but I'm still bothered by that friggin' kiss! Kasalanan 'to ni Basty, e. Kasalanan nya 'to.

"Pero hindi Verna, e. Kasalanan mo rin e. You kissed him back. Kasalanan nya bang ibinalik mo yung halik? Arrrgh!" para na akong baliw, kinakausap ko na ang sarili ko. Sobrang naba-bother talaga ako sa kiss na yun. It's not like I already had a change of heart. Si Ace pa rin naman, pero kasi naman... si Basty kasi e!

"You know deep down that you wanted that kiss. You know."

Halos magka-heart attact na ako nung biglang nag salita si Dim sa likuran ko. When did he got here? Hindi ko man lang napansin na pumasok sya.

"Hey you!" sabi ko sa kanya ng nakaduro pa. But when I realized that what I'm doing is rude, ibinaba ko agad ang kamay ko. "Kahit magkapatid tayo dapat kumakatok ka pa rin bago ka pumasok."

"I did. Twice actually. Pero hindi mo narinig kasi busy ka sa pag-iisip nung kiss nyo ni Swan." agad kong tinakpan yung bibig nya at sinabihan na wag syang maingay.

"Ano ka ba Dim, wag ka ngang maingay dyan. May makarinig pa sayo e." marahan kong tugon sa kanya.

"So what? Bagay naman kayo, ba't di nalang sya ang syotain mo?" huh? kelan pa sya naging boto kay Basty? Ipinakulam ba 'to?

Balik na kami sa dati ni Dim, bati na kami pero si Kuya medyo dedma pa rin. Dedmathology kasi ang mini-major nun. Pero ilang pa din ang kakambal ko kapag napaguusapan na si Ace. Nagha-hangout pa rin naman sila, pero yun nga lang medyo may gap na.

"Ayoko nga. Alam mo namang si Ace pa rin 'di ba?" sagot ko sa kanya.

"Sinabi ni Swan sa akin mahal ka daw nya."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kapatid ko. Nag-usap sila? Bakit? Tropa na rin ba sila ngayon? Hindi ako nakasagot, nakatingin lang ako sa kapatid ko.

He then showed me his signature grin at dun ko narealize na pinag ti-tripan nya lang pala ako. Bwiset.

"Oh, ba't nag bago yung facial expression mo?" tanong nya sa akin na halatang nang-aasar ang loko.

"Ano?! Hindi ah. Bwiset ka! Si Kuya o si Ate ang pagtripan mo, wag ako." naiirita ako. Alam nya naman kasing bothered ako kay Basty tapos lolokohin nya pa ako.

"Gusto mo sya." sabi nya sa akin na tila ba sure na sure na sya sa sinabi nya.

"Hindi nga. Kulit ng lahi mo ah."

"Nah, I think you really like him." sabi nya and I death glared him pero hindi ko sya nakuha dun at patuloy pa rin syang nag salita, "If only you saw your reaction nung sinabi kong mahal ka ni Swan. Kahit i-deny mo Verns, you know deep down that you like him. Why are you being so stubborn? Why don't you admit that to yourself?"

"Kasi hindi naman talaga." matiim ko syang tinignan para makuha nya ang sinabi ko. Bakit din ba kasi ipinagpipilitan nya na gusto ko si Basty? Mas marunong pa saken eno?

He sighed. "Hindi mo ba naisip na baka mahal mo lang si Ace kasi yun ang nakasanayan mong feeling? Baka akala mo lang na mahal mo pa rin sya pero hindi naman na talaga. Baka mahal mo lang sya kasi nasasayangan ka sa mga panahon na iginugol mo para sa kanya." naupo sya sa kama ko at tinignan ako, "Think about it."

Mangilang saglit rin kaming nagkatitigan. Is that even possible? I don't think so. There's no such thing as nakasanayang feeling, mahal ko sya kasi mahal ko talaga sya at hindi dahil sa yun ang nakasanayan ko.

After a short while, nag ring yung phone ni Dim kaya agad nya itong kunuha mula sa bulsa nya at sinagot ito.

"Hm?" tamad talaga sumagot 'to. Hindi ko alam kung sino ang kausap nya pero parang manghang-mangha sya sasinasabi nung tumawag sa kanya. Ilang saglit pa'y tumawa sya then he dropped the call. Bastos, wala man lang bye or something. Dapat i-enroll 'to ni Mommy sa etiquette class e.

How to win this BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon