"We should go and buy you a new phone." Napaangat siya ng tingin kay Tyler ng magsalita ito, nasa harapan na niya pala ang lalaki.

Umiling siya ng may ngiti sa labi, "hindi na, gumagana pa naman 'to. Hindi ko naman kailangan ng bago. Nakapag-order ka na ba?"

Tyler stared at her; he nodded his head before sitting down beside her. "Yes, let's just wait for a moment, maya-maya andito na ang order natin."

Nakangiting tinanguan niya si Tyler saka inilabas ang folder niyang may lamang marketing at finance activities niya, iyon ang pinakahuling school activities niya after nito, exam na lang ang dapat niyang isipin.

"What's that? Marketing and Finance report?" Tanong nito na kinatawa niya, ito na din kasi ang sumagot sa sarili nitong tanong.

She nodded her head, patapos na niya iyon, at maipapasa na niya bukas.

Tyler picked up her report and read it, maya maya pa ay kumuha ito ng ballpen at nagsimulang magsulat doon.

"Hey, what are you doing?" Nakakunot noong tanong niya sa lalaki.

Tyler didn't answer her question, he just continued writing until he was done.

"And... Now you're done."

Napatanga si Jane nang iabot nito sa kaniya ang papel niya at makitang tinapos nga nito ang report niya.

"Why did you do that?"

"Para wala ka ng gagawin habang kasama mo ako. So, you can focus your whole attention on me." Sagot nito na kinabilis ng pintig ng puso niya.

But one thing is for sure, sa nakalipas na dalawang linggo, Tyler did become really sweet.

Lumunok si Jane upang itago ang kilig na nararamdaman, itatabi na sana niya ang mga report niya ng may maalala. "Pupwede ba akong maagang mag-out sa trabaho ngayong araw?" Tanong niya kay Tyler na siyang nagtatanong na ang berdeng mga matang nakatitig sa kaniya.

"Why?"

"Pupunta pa kasi ako sa dragon mall ngayon sa Divisoria or sa 168 para maghanap ng susuotin ko sa graduation pictorial sa susunod na araw, balak kong bumili na para iyon na din ang susuotin ko sa graduation since isang buwan na lang din." Sagot niya sa tanong ng binata.

Tyler nodded his head, akmang magsasalita ito ng may mag-serve na ng order nila, tahimik sila habang inihahanda ng waiter ang pagkain nila.

"What are your plans after your graduation?" Tanong nito ng makaalis ang waiter.

Napatitig siya sa lalaki habang nag-iisip ng isasagot niya. Sa totoo lang ay gusto niyang mag enroll sa pangarap niyang university sa pangarap niyang course pagkatapos niyang grumaduate sa PLM, pero iyon ay kung may ipon na siya at sapat na pera para mag-survive ng panibagong kurso.

"Magtrabaho, after that I'm planning on taking another degree sa UST, culinary arts, I wanna be a chef and a businesswoman." Sagot niya kay Tyler.

Tumango-tango ito. "Samahan kita later, let me buy the dress for you. Hanggang biyernes na lang ba ang pasok mo?"

"Oum, tapos non practice na for graduation, makakapag-focus na ako sa work."

"Pati sa akin?" Umaasa ang malalim nitong boses na dugtong na tanong nito sa kaniya na kinahagikhik niya.

"Pati sa 'yo." Nakangiting sagot niya kay Tyler na kinangiti din ng binata.

***

Papatapos na silang kumain nang lumapit sa kanila ang may-ari ng resto, inilapag nito ang microphone sa gilid ni Tyler na kinapaling ng ulo ni Jane.

Luring The Cold Hearted Billionaire.Where stories live. Discover now