CHAPTER-7

44.5K 1K 230
                                    

Luring The Cold Hearted Billionaire

"You looked happy."

Napa-angat ng tingin si Jane kay Teo na siyang nakatayo sa tapat ng lamesang kinaroroonan niya, nasa loob siya ng Library ngayon sa gusali ng Katipunan, loob ng Pamantasan nila.

"Hi, upo ka." Nakangiting bati ni Jane kay Teo.

The man stared at her for a moment before finally sitting in front of her. Nag-iisip pa lang si Jane ng sasabihin niya para ipaliwanag kay Teo kung bakit mukha siyang masaya ng maunahan siya nitong magsalita.

"I'll transfer in different university, magshishift din ako ng course." Ani Teo.

Napaawang ang mga labi ni Jane sa turan ng binata, "ha? Bakit? Saan ka lilipat? Isang buwan na lang graduation na Teo."

"Sa California, I received an email, an email I'd been waiting for actually. It's a scholarship to study abroad with my dream course. I'll go there, from there I'll get to have a new start and life," sagot ni Teo sa kaniya. Saglit silang binalot ng katahimikan hanggang sa muling nagsalita si Teo.

"Something's stopping me though, Jane... I like you- "

Her phone rang that cut off Teo's words, ang matalim na mata ng librian ang agad na dumapo sa balat ni Jane. Humihingi ng pasensyang nginitian niya si Teo at marahang umiling.

"I'm happy for you, Teo. Go chase your dream, you will always be the greatest friend I have, kahit sandali lang tayong nagkasama, I'm sorry, I need to answer this call." Nagmamadaling lumabas siya ng library saka sinagot ang tawag ni Tyler sa kaniya.

Nasagot niya naman si Teo diba? Gustuhin man niyang bigyan ito ng sagot na hindi ito makakaramdam ng sakit alam niyang imposible iyon dahil hindi niya naman maibabalik ang damdaming nararamdaman nito para sa kaniya. Natigilan si Jane ng mapagtantong naipaparamdam niya kay Teo ngayon ang sakit na natamo niya kay Tyler nitong mga nakaraang araw.

"Hey... I'm outside your university, isn't it your lunch break? Can we eat together for lunch?" Boses iyon ni Tyler sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag nito.

Napamulagat siya at lakad-takbong tinungo ang daan palabas ng gusaling katipunan. "Saan? Saang gate ka malapit? Palabas na ako." Halos tumatakbo nang tanong niya sa lalaking nasa kabilang linya.

Tyler chuckled that made her smile at the same time made her cheeks burn. "Don't run, no need to be in a rush, you'll still get to see me, no need to be so excited." Pang-aasar nito na kinarolyo ng tsokolate niyang mga mata sa hangin.

Binagalan ni Jane ang paglalakad, "saan nga?" Nakangusong tanong niya.

"I could imagine you pouting right now as you ask me that."

Natawa siya sa sinabi nito saka napailing na lamang.

"General Luna Gate. That's what the guard's say, hintayin kita dito."

Napangiti siya, "okay, papunta na po boss!"

She still couldn't imagine that she's finally dating Tyler now, hindi pa din nagsi-sink in sa kaniyang sila na ulit, at hindi na gaya ng mga unang araw na laging purong hinanakit at paninikip ng dibdib ang natatamo niya, masaya na sila ni Tyler ngayon, at sana, sana ganito na palagi.

***

"San tayo kakain?" Tanong ni Jane kay Hermes ng makasakay ito sa passenger seat ng sasakyan niya. Nginitian niya ang dalaga saka pinatakan ng halik sa noo.

"Somewhere," nakangiting sagot niya kay Jane habang sinusuotan ito ng seatbelt.

Jane pouted her lips that earned a chuckle from him. "Bambu Intramuros, it's an art bar and restaurant, malapit lang dito. I used to eat there when I was in college." Sagot niya kay Jane saka humarap na sa manubela.

Luring The Cold Hearted Billionaire.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon