"When you were in college? I thought you studied abroad? Sabi mo sa akin before?" Tanong ni Jane bigla nakinatigil niya mula sa pag-ii-start ng makina ng sasakyan niya.

Fuck! He's not Hermes in her eyes! He's someone else! For her he is Tyler! And he almost forgot that!

He swallowed hard and continued starting the engine of his car. "Did I say college? I mean High School, I studied at La Salle when I was in jhs, before I flew to Massachusetts to study at Stanford." Tuloy-tuloy niyang sabi kay Jane habang minamaneho na niya ang sasakyan niya patungo sa resto kung saan sila kakain ng tanghalian.

He knew Tyler went to Stanford, just like his other friends. He didn't study abroad because he fell in love with the Philippines so much, his mother's home country, that he decided to stay here for good.

"Oh, yeah you mentioned nga you studied at la salle nung highschool."

Of course, Tyler did, he was my classmate in highschool.

Humigpit ang kapit niya sa manubela at tahimik na lang na nagmaneho.

***

"Wait here," ani Tyler ng ihinto nito ang sasakyan, hindi na siya nakasagot pa ng lumabas ito at isinara ang pinto ng sasakyan.

Pinanood niya ang binatang agad sinalubong ng tila may-ari ng resto bar na ito. Ito ata yung bambu intramuros art bar and restaurant, the place is cozy. Its good.

Tila nagkukumustahan si Tyler at ang matandang lalaking may-ari ata ng resto, maya-maya pa ay tila naging seryoso na ang usapan nila, pero hindi naman nagtagal iyon, pabaling baling din ang dalawa sa sasakyang kinaroroonan niya, ilang sandali pa ay binalikan na siya ni Tyler sa sasakyan at pinagbuksan ng pintuan.

"You seem close with the owner." Puna niya.

Tyler just smiled and nodded at her, he guided her towards the resto and made her sit near the stage where instruments of a typical band are displayed.

"I'll go get the menu, dito ka lang muna." Sabi ni Tyler sa kaniya.

Tumango siya at pinalibot ang tingin sa kabuohan ng lugar, maganda talaga. Halos mga students din ng iba't ibang universities ang kumakain, may taga Mapua, T.U.P, Adamson, PLM at mga dayo mula sa Taft, La salle at STI.

"Here," pukaw ni Tyler sa kaniya na siyang nag-abot ng menu sa kaniya. "Their Shrimp in Creamy Pesto & Pasta Sardines in Olive Oil and pepperoni pizza tastes good but you choose what you want."

She smiled and tilted her head at him, "you chose what we eat, you seem to know what's good here. I wanna know what foods you eat when you are here."

Tyler chuckled at what she said. "Okay then, I'll go get us every food I like here. Wait up, I'll order it."

Pinanood niya ang papalayong bulto ni Tyler sa kaniya ng bumalik ito sa counter ng resto upang mag-order ng pagkain nila.

Dalawang linggo. Dalawang linggo ng ganito ang set up nilang dalawa, madalas siya nitong hatid sundo sa pagpasok niya sa Pamantasan, sabay silang kakain ng tanghalian at hapunan sa labas, pagkatapos naman ng trabaho nila sa opisina nito, ihahatid siya nito sa apartment niya sa Brgy. 393 sa may Quiapo. Sa dalawang linggo na iyon kitang-kita niya kung paano i-try ni Tyler na bumawi sa kaniya, pero andon pa din, andoon pa din iyong bagay na hindi niya maipaliwanag na para bang, ibang-ibang tao si Tyler na kasama niya ngayon sa Tyler na nakilala niya sa social media.

Napababa ang tingin niya sa cellphone niyang nasa ibabaw ng mesang inuukupa nila. Luma na iyon at may iilang crack pero gumagana pa naman kaya pinagtyatyagaan na niya. Matagal-tagal na din ng huli siyang gumamit ng social media, wala din naman kasing wifi sa apartment niya at masyadong magastos ang data, ang tanging load na meron siya ay pang text kung susuwertihin ay minsan may pangtawag pa siya.

Luring The Cold Hearted Billionaire.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora