Chapter 23 As Your Wife

Start from the beginning
                                    

"Stand up, you dumbass and go get your girl!" Napataas yung kilay ko kay Kreme na parang inuutusan itong si Brooklyn para sundan si Lily. "Now!" Nakaturo pa sa labas.

Mabilis namang tumayo si Brook at lumabas ng opisina namin. Naiwan kami doong tatlo nila Eira at Kreme.

"That's... weird." Wala sa sariling bigkas ni Eira.

"They're both crazy in each other." Komento naman ni Kreme.

Nagkibit balikat lang ako. Nagulat na lang kami ng paglabas namin biglang tumunog yung alarm ng kotse ni Kreme. Mabilis kaming lumabas ng shop para tingnan kung ano ng nangyayari dun.

Nakangiwing nakatingin sa amin si Brooklyn na nakatayo sa tabi ng gasgas na kotse ni Kreme.

"Brooklyn!" Galit na sigaw ni Kreme.

Freak pa naman 'to pagdating sa mga gamit. Parang mamay Abby lang niya.

Napapalatak ako't napailing-iling. "Lagot na. Humanda ka na Brooklyn sa galit ni Kreme Tiffany Montalban."

"Bakit? Grabe ba magalit si Kreme?" Inosenteng tanong sa akin ni Eira.

"Hindi naman." Tugon ko. "Mamumulubi lang naman si Brook."

Natawa si Eira. "Eh para sakto dun sa pangalan niya Brook... Broke."

Natawa din ako sa sinabi niya at nakipag-apir dito. Sabay na kaming bumalik sa may counter at hinayaan na lang namin yung dalawang mag-usap sa labas.

Pagsapit ng hapon, sinundo ako ni Lauren sa coffee shop. Hindi ko siya kinikibo o tinatapunan man lang ng pansin. At ang nakakainis lang, parang wala lang sa kanya yung ginawa niya kaninang umaga. Kung putulan ko kaya siya ng daliri para magtanda?

"Eira, pakuha ka nga ng sinulid sa isa sa mga crew." Sabay kalabit ni Kreme sa katabi niyang si Eira.

"Aanhin mo naman yung sinulid?" Takang tanong naman nung isa.

"Pantali natin sa nguso ni JC. Ang haba-haba na eh." Sabay tawang pang-aasar niya.

"Sige, dadagdagan ko gasgas nung kotse mo." Nakangusong banta ko sa kanya.

"Try mo lang, pag-uumpugin ko kayo ni Brooklyn." Ganti naman niya.

Natatawang napapailing lang naman si Eira sa gitna namin.

Sinadya ko talagang magtagal pa ng konti sa coffee shop para mainip si Lauren sa paghihintay sa akin. Pero dahil nangangawit na din ako sa kakatayo at nagugutom na din ako kaya nagpasya na akong umuwi.

Nauna akong naglakad palabas ng shop, sumunod naman agad si Lauren. Nang masigurong naka-unlock na yung sasakyan niya, nauna na akong pumasok sa may frontseat. Hindi ako tumitingin sa kanya ng pumasok siya. Nakabaling ang mukha ko sa labas ng bintana.

"O." Parang galit pang bigkas niya.

Nang nagbaling ako ng tingin sa kanya, may iniaabot siya sa akin na isang long stem na red rose. Nabibiglang nakatingin ako sa kanya ngunit sa harapa ng sasakyan naman siya nakabaling.

Ngunit ng hindi ko iyon agad tinanggap, doon na siya nagbaling ng tingin sa akin. "Ayaw mo?"

"Para saan yan?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya kahit pa sa totoo lang, nagdiriwang yung puso ko.'

Heh! Saway ko naman ng bigla iyon magrigudon.

"Tatanggapin mo ba o hindi?" Halos magsalubong yung kilay niya.

"Eh ba't nagagalit ka?" Ganting pagsusungit ko dito. "Ayoko tanggapin kung galit ka din lang!" Saka napahalukipkip at nagbaling ng tingin sa harapan.

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Where stories live. Discover now