Chapter 3

3.9K 126 155
                                    

Chapter 3

Lefiya Aschen's Point of View

"Congratulations, Miss Aschens. You are proven innocent."

I smiled as those words repeat in my mind over and over again. The principal smiled at me and offered his hand to congratulate me for being proven innocent and for being the new Student Council President. I accepted his hand and initiated the hand shake.

"I'll go now, Sir. Thank you so much."

I smiled once again before leaving the office of the principal. Finally, I'm proven innocent! It's been a week since that issue about me occurred. Ngayon lang napatunayang hoax news ang kumakalat na balita tungkol sa akin.

"Lefiya!"

Lumingon ako sa taong tumawag sa akin at ngumiti. It was George, my classmate. I looked at him while smiling, waiting him to speak.

"Congratulations!"

"Thank you! Mauna na ako, may kailangan pa akong gawin."

"Sure."

Muli ko siyang nginitian bago siya iniwang mag-isa.

Bawat estudyanteng makakasalubong ko ay humihingi ng tawad sa mga panghuhusgang ginawa nila sa akin nitong mga nakaraang araw.

Some students bullied me because of the gossip. Now, they are two weeks suspended from school because of what they've done. The principal insisted to expel them but I've said that being suspended is already enough.

It's past twelve noon. I'm very sure that Ryn is extremely mad at me now. I told her to go to the cafeteria at twelve o'clock sharp. Late na ako. Biglaan kasi akong pinatawag ng principal habang nasa klase kanina. Ewan ko ba, p'wede namang mamayang dismissal na pero mas pinili nila ang mang-istorbo ng klase.

"You're late for twenty-six minutes! My goodness, Lefiya! Gutom na gutom na ako!"

Galit na galit na mukha ni Ryn ang bumungad sa akin pagkarating ko sa cafeteria. Napatingin naman ang ilang mga estudyanteng kumakain ng kanilang tanghalian dahil napalakas ang boses ni Ryn.

"Lower down your voice! I have my reasons why I'm late."

She rolled her eyes and stared at me for about five seconds. I laughed, seeing her reaction. She's starving. I am very sure of that. Ryn waited for me. She doesn't like eating early when she knows someone will join her.

"What's so funny?"

Lalo akong natawa nang ikunot niya ang noo niya. Hindi niya talaga bagay ang mag-seryoso. I've known Ryn for being jolly and hyper. Sigurado akong nagpapalambing lang ang babaeng 'to.

"Okay, stop that act. Halika na, bibili na tayo ng pagkain."

"No."

"Libre ko."

"Sabi ko nga bibili na tayo ng pagkain, tara na!"

Pinilit kong huwag tumawa nang makita kong nagning-ning ang mga mata niya. Ang dali talagang suhulan ng babaeng ito.

Sabay kaming naglakad palapit sa counter upang pumila at bumili ng pagkain. Parehong Beef Steak ang napagdesisyunan naming kainin. Sinabihan kong bumalik na sa upuan si Ryn dahil ako naman ang magbabayad ng pagkain namin.

Nang makuha ko ang pagkain, dumiretso na agad ako sa puwesto namin ni Ryn. Una kong nilapag ang pagkain niya sa tapat niya saka ako umupo para kumain na.

Hindi ko pa man nasusubo ang pagkain ko ay nagsimula na siyang magtanong patungkol sa pagpapatawag sa akin ng principal kanina.

"What happened?"

Fangs (Available on Dreame) Where stories live. Discover now