Chapter 4

3.4K 130 131
                                    

Chapter 4

Lefiya Aschen's Point of View

Tulala akong nagpunta sa court matapos kong magshower. I still can't find out where did that tattoo came from. Nababagabag kong inikot ang paningin ko sa court. Wala pa naman si coach kaya hindi pa ako late.

Umupo ako sa sahig kasama ang mga team mates ko at pinakinggan ang nagsosonang team captain. Asar na asar ang hitsura ni Ryn na pinapagalitan kami isa-isa.

"Kung kayo lang din naman pala ang masusunod, sana pala kayo na lang ang naging team captain."

"Tama na iyan, Ryn."

Napatingin siya sa akin at napangisi. Naguluhan naman ako sa reaksyon niya. Dahan-dahan siyang pumalakpak habang napapailing na nakatitig sa akin.

"Congratulations, Miss President."

Damang-dama ko ang pagka-sarkastiko niya. Nakakunot noo akong nakatitig sa kan'ya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Miss President, hindi dahil Student Council President ka ay lagi kang mayroong kapangyarihan sa mga bagay-bagay."

"What's your point?"

"This is my territory, my rules will be followed here. Since you're late and that's against my rules, you'll receive a punishment."

I groaned after hearing what she have said. This is absolutely not my first time being late but this is the first time she gave a punishment to me. Is this still because of what happened at the cafeteria?

"Ten laps. Now run!"

Tinitigan ko muna siya bago ko sundin ang gusto niyang ipagawa. I feel mad at her. Good thing I can control my emotions. Kung hindi, baka nagkaroon ng World War dito. I can't read her thoughts. I can't understand what's her purpose for doing this.

Without any warm-up or something, I accepted my punishment. I can feel my energy boosting and my body warming up as I run moderately fast. On the fifth lap, I can already feel my body fainting. That's a cue that I already need to stop.

Unti-unting nanghihina ang katawan ko at bumabagal ang pagtakbo ko. Babagsak na ako. Kusang huminto ang mga paa ko sa pagtakbo at bumagsak ang katawan ko sa sahig. Nothing hurts. I just feel hot. Something's happening inside my body. I'm sure it's not pain. It's something else.

Nagtakbuhan palapit sa akin ang mga team mates ko. Tanging si Ryn lang ang nanatili sa kan'yang puwesto na tila ba inoobserbahan niya ang bawat kilos ko. She's up to something.

"Leave her alone!"

"Pero captain! Pinatakbo mo siya ng ten laps kahit alam mong hindi pa siya nagwawarm-up! Nasisiraan ka na ba?"

"Tumahimik ka riyan, Rivas! Alam ko ang ginagawa ko! Layuan n'yo siya! Walang tutulong sa kan'ya!"

Walang nagawa ang mga team mates ko kun'di ang magsibalik sa mga puwesto nila. Nanatili akong nakaupo sa sahig at nanghihina ang katawan.

"Wala akong pakialam kung hindi ka pa nagwawarm-up! Ituloy mo ang pagtakbo! Ang parusa ay parusa!"

Nakaramdam ako ng matinding galit sa kan'ya. Sinalubong ko ang titig niya sa akin nang masamang tingin. Nanlaki naman ang mga mata niya habang nakikipagtitigan sa akin. Para siyang takot na takot sa nakikita niya. Katulad nang naging reaksyon noon ng mommy ko.

"Ituloy mo na iyan!"

Lalong sumama ang tingin ko sa kan'ya na naging dahilan nang pagtalikod niya. Tumayo na ako at ipinagpatuloy ang pagtakbo. This time, I feel nothing but anger. My anger made me stronger and faster.

Fangs (First Draft)Where stories live. Discover now