Teeeeettt!! Teeeett! Tetttttt!
Ingay ito na nagmumula sa machines malapit sa eternal flask.
Agad agad ding itong pinuntahan ng mga emergency team
sa loob ng laboratory.
Sila ang tinatawag na Medyx.
Ito yung mga nilalang na resulta sa cloning ng human doctors at alien species.
"⨀⨅⧲⨃⨞ ꙌⱷⱵ⟥⟔ ⟒⟐⦿!!!"
( May mali po sa pinasukang katawan ni Infi Az!!-alien language translated.
Isipin niyo na lang readers na ganyan yung language
nila dahil iconvert ko na agad ng Filipino pag may sasabihin sila. Gets? )
Dali daling tiningnan ng Medyx ang katawan na babaeng
pinasukan ng kanilang prinsesa.
Nakalutang pa rin ito sa loob ng malaking transparent glass
habang nakasubmerge ito sa kulay tubig na likido.
Makikita sa dibdib nito ang pagkislap kislap ng hugis paru-parong tattoo.
Sa hubo't hubad nitong itsura, mapapansin mong parang
nakapreserve ang dating nito.
"Panginoon, kapag hindi po maging pirmanente ang kislap
ng paru-paro ay magiging delikado po ang lagay ng ating mahal na Infi Az,"
paliwanag ng isa sa mga Medyx.
Hinawakan ng kanilang Panginoon ang transparent glass.
"Alam ko kaya kailangan natin magpadala ng isa pang kauri
natin para maging matiwasay ang mga plano natin.
Ang pabagsakin ang planetang ito at gawing bagong nating tirahan. HAHAHA!!,"
halakhak pa nito sabay hawak sa tungkod nitong may itim na bato.
"Hindi po kayo nababahala Panginoon na may masamang
mangyayari sa mahal ninyong anak?"
Tanong ng isang kalahing sundalo.
"HUWAG MO AKONG PANGUNAHAN!! ALAM KO ANG GINAGAWA KO! FASHA! ( STUPID!),"
bulyaw ng Panginoon habang inilipad ng kanyang hangin
ang sundalo sa malayong parte ng kalawakan.
"Ngayon din ay tawagin mo si Infi Zhy at sabihin mong may ipapagawa ako sa kanya,"
utos niya sa isa pang sundalo na kabilang sa mga Amyz.
"BILIS!"
Bulyaw na naman niya.
Agad ding naman umalis ang inutusan.
" Depri endi epes nepear!!! HAAHAHAHAHA!!!!!"
Sabi ng kanilang Panginoon sabay tawa ng malakas.
![](https://img.wattpad.com/cover/144724356-288-k798215.jpg)
YOU ARE READING
Invisible Invasion
Science FictionThey did not expect you to notice them at all. Hindi ka makakatakas sa mga kamay ng mga nilalang na hindi mo nakikita. I know and no one else knows. I know they are already here but no one seems to notice except me. -Callie Adler