Name: Rogue Lennox
Age: 25 years old
Profession: famous car racer and lead vocalist of the band "Harlem Beat"
Ito yung name tag na nakalagay sa lalaking kadadala
pa lang ng mga Amyz. Ang mga "Amyz" ay tawag sa sundalong
alien na may human like features.
Resulta sila sa mga isinasagawang experiment ng mga Medyx
tulad na lamang ng pag-implant ng alien brain sa katawan ng tao.
"Ito na po Panginoon ang karadapat dapat na
maging katawan ni Infi Zhy," presenta ng pinuno ng mga Amyz
sa kanilang kamahalan. Sumenyas naman ang kanilang
Panginoong Primo na pumasok sila sa loob kung saan din
nakalagay ang pinasukang katawan ng kanyang anak.
"Infi Zhy, handa ka na bang pumasok sa katawan na iyan
at pumunta sa mundo ng mga tao?" Tanong ng Primo
sa kanyang kaharap na si Zhy.
"Opo Panginoon, basta para kay prinsesa at sa ating mga plano.
Gagawin ko po lahat ng aking makakaya."
Sagot naman ng binata. "Kung ganun, mga Medyx!
Simulan niyo ang pagbabalatkayo para sa kanila."
Utos ng kanilang kamahalan.
"Opo, masusunod po kamahalan."
At inumpisahan na nga ang proseso.
Pinatayo muna ng mga Medyx ang walang malay na lalaking
nagngangalang Rogue sa isang espasyo kung saan
may mga nakasabit na parang gumagalaw na tubo mula sa itaas.
Ang dalawang tubong ito o ang "tentacles"
ay kumakapit sa magkabilang bahagi ng ulo ng tao at
hinihigop nito ang kaluluwa sa loob ng katawan papunta
naman sa loob ng infinity flask.
Ang prosesong ito ay nagbibigay sakit sa buong katawan
ng sinumang nakakapit sa tentacles.
Mararamdaman nila ang pagdaloy ng isang napakalakas
ngunit napakasakit namang electricity palabas sa katawan nila.
Pagkatapos ng mahigop ang buong kaluluwa ni Rogue
ay nakatrap na ito agad sa infinity flask.
Maaring magising ang kanyang kaluluwa,
maari ring hindi na ito magigising pa.
Sumunod naman ay ang pagpwesto ni Infi Zhy sa katabi ni Rogue.
Kinuha ng isa sa mga Medyx ang isang tubong nakalapat
pa kay Rogue at inilipat ito kay Zhy.
Sa isang pindot lang ay maari ng pumunta ang lahat ng "alien matrix"
mula kay Zhy papunta sa loob ng katawan ni Rogue.
"Alien matrix"ang tawag sa mga kaluluwang hindi nangagaling
sa planet Earth. Sumenyas na ng "okay" si Zhy, ibig sabihin ay handa
na ito sa lahat ng mangyayari.
Pinindot na ang button para sa pagtransfer.
Dahil sa lakas ng energy at electric flow mula sa alien matrix
ni Zhy ay lumilindol ang buong paligid nila.
Gumagalaw ang mga apparatus at kagamitan sa loob ng laboratory.
May mga nangabasag ng kagamitan.
Nagtataka naman ang ibang mga nanonood na hindi
alam ang lahat ng nangyayari.
May pag-alala at takot naman sa mga mukha ng mga Medyx
dahil maaring tagumpay ang pagtransfer o di kayay
sasabog ang parehong katawan na nalalapatan ng tentacles.
Kasabay ng paglindol ay ang pagbiglang labas ng nakakasilaw
na liwanag mula kay Infi Zhy papunta kay Rogue.
Kasabay ding lumabas nito ang "alien mark" o tinatawag na tattoo.
Nakalagay na ito ngayon sa gitna ng dibdib ni Rogue na
kasalukuyang wala pa ring malay.
Tinanggal na nila ang katawan ni Infi Zhy at inilagay sa
transparent glass na may likido sa loob.
Sinamantala naman ng kanilang hari ang pagkakataon
habang hindi pa nagigising ang bagong Rogue.
Nagsagawa na siya ng eksaktong portal kung saan nila
ito nakuha kanina. Maya-maya lang ay nakalutang na
ang binata papasok sa loob ng portal.
"Cera porthos daki!"
Pagkasabi nito ay biglang nawala ang portal at
bumalik na ulit sa normal ang lahat.
AUTHOR: Hi! Kung sino man ang nagbabasa nito ngayon
kindly comment down below of your thoughts and expectations about this story?
THANKS! Sana suportahan niyo pa din po ninyo ako sa aking first sci-fi story.
Magdedicate ako ng tatlong chapters sa first three na magcocoment. :)
ČTEŠ
Invisible Invasion
Sci-fiThey did not expect you to notice them at all. Hindi ka makakatakas sa mga kamay ng mga nilalang na hindi mo nakikita. I know and no one else knows. I know they are already here but no one seems to notice except me. -Callie Adler