Chapter 36: Why, Dana?

Start from the beginning
                                    

Humiwalay siya sa’kin sandali. Mabilis kong sinara ang mata ko. Hindi ko sigurado kung anong ginawa niya. Naramdaman ko nalang na wala siya sa kama.

“Hello?”

Dahil tahimik sa kwarto ko ay halos marinig ko na ang boses ng nasa kabilang linya. Sigurado akong si Levi yon.

“Ano?” Iritadong sabi ni Royce.

“Hello din ah?”

“Istorbo ka. Damn you!”

“What? May ginagawa ba kayo kaya ka naistorbo? Dude, di pa ko handa maging tito!”

“Pakialam ko sa’yo, siraulo ka!” Pigil na pigil siyang magtaas ng boses.

“Sige… sumigaw ka… para marinig ka ni Skyla Hailey. Edi outside the kulambo ka!” Narinig ko pa ang nakakabaliw na tawa ni Levi.

“Fuck you! Kung tumawag ka lang para mang-asar, pakamatay ka nalang.”

“Wag naman ganyan, men. Sayang lahi ko.” Hindi ko nasundan ang usapan nila. Boys. Tss. “Anyways…”

Gumalaw ako ng konti para iunat ang paa ko. “Shhh…”

Napangiti ulit ako. Ingat na ingat siyang wag akong magising.

“…hindi naman niya alam na dyan ka natutulog. Siguro kapag nalaman niya, gagawa agad yon ng para malayo ka kay Skyla Hailey.”

“That’s good.”

“Ingat ka pa rin. Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanya?”

“Levi… parang gusto mo na ring sabihin na saktan ko si Hailey. No. I can’t do that.”

“Lovesick. Tss.”

“Yes. Thanks for the info. Need to go. Baka magising na ‘to. Wala pa rin akong pahinga!”

“Hinay hinay kasi. Alright. Have a good night!” Binuntunan ulit yon ng malakas na tawa ni Levi na naputol din agad nang patayin ni Royce ang cellphone niya.

Narinig ko ang malalim na hininga ni Royce bago humiga ulit sa kama ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Halos manigas siya dahil sa ginawa ko. Hindi ko pinansin yon. Mas gusto ko lang mayakap siya.

“H-Hailey?” Huminga ulit siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Parang gusto kong mapangiti. Ito ba ang epekto ko sa kanya? “Oh, damn. You are killing me.”

Nakatulog na ko sa ganong posisyon. Paggising ko ay wala na rin siya sa tabi ko. Dali-dali akong bumangon. Papunta na sana ako sa kusina nang marinig kong nagsasalita ang kapatid ko. Sisilipin ko sana siya sa sala pero natigilan ako dahil parang seryoso ang boses niya.

“So, siya ang may kasalanan?”

“Ahuh.” Levi. Bakit nandito siya? “Wag mong sasabihin sa ate mo. Masasaktan yon. Ayaw pa naman ni Royce na mangyari yon.”

“Mas masasaktan si Ate kapag nalaman niyang nagsisinungaling sa kanya si Ate Dana.” Kumunot ang noo ko. Bakit nasali si Dana sa usapan nila? Nagsisinungaling si Dana? What?

Sumilip ako sandali sa sala. Nakaupo sila parehas sa sofa habang busy sa PS3.

“Hayaan mo nang si Royce ang magsabi. Alam na niya kung anong ginagawa niya.”

“Hindi ko akalain na mauuto ang kapatid ko nang ganito.”

“Thunder—”

“Kuya, its Harley!”

“Thunder Harley… here’s the thing. Best of friends sila. Ikaw na rin ang nagsabi sa’kin kanina na matagal na silang magkasama. Natural na nasa kanya ang tiwala ni Skyla Hailey. Hindi siya magdududa sa bestfriend niya. Iyon ang tunay na kaibigan. Mahal ng ate mo ang bestfriend niya. Iyon  ang problema.”

“Sabagay…”

“Hindi malayong ang bestfriend ulit niya ang piliin niya. Naexplain ko na naman ‘yon.”

Lalabas na sana ako para magpakita. Hindi ko kayang magtago lang habang patuloy sila sa pag-uusap tungkol sa’kin. Natigilan lalo ako sa mga sunod kong narinig.

“Kung sakaling pinili ni Hailey si Royce edi siguro may pamangkin ka na ngayon!” Humagalpak ng tawa si Levi.

“It’s not funny, Kuya.”

“No… I know.Masyado kang mahigpit sa kapatid mo.”

“Kuya Levi, ang sinasabi ko lang—”

“Kausapin mo siya, Harley.” Sabi ni Levi kay Harley. Wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Hindi ko papalagpasin ang bawat sinasabi niya. “Ikaw lang yata ang pinakikinggan niya.”

“Si Kuya Royce din.”

“Ayaw pangunahan ni Royce si Hailey. Gusto niya buo ang loob ni Hailey kapag pinili niya ‘to. Ayaw niyang napipilitan ang kapatid mo sa mga ginagawa niya. Masyado siyang masokista. Patuloy siyang nasasaktan dahil kay Hailey pero hindi na siya nagsasalita.

“Mahal na mahal kasi ni Royce ang ate mo eh. Ano bang pinakain niya don? Nang pinili ni Hailey ang kaibigan niya, dun na nawalan ng buhay ang pinsan ko. Hindi niya pinilit ang kapatid mo dahil dun siya masaya. Dahil alam niyang kung masaya siya kay Royce… siya ang pipiliin ni Hailey.

“Sana this time, buksan na niya ang isip niya. Hindi niya pa ba nahahalata ang mga ginagawa ni Dana?”

Hindi ko alam kung pa’no patitigilin ang mga luha ko. Halos hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Wala akong pinili. Hindi ako pumili.

Sobrang sama ng loob ko. 14 years! 14 years na kaming magkasama! Naalala ko lahat nang sinabi niya sa’kin noon. Sobrang sama ng loob ko.

“Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dati.”

“Ano bang ginawa mo?”

“Pinaglayo ko sila.”

“Bakit hindi mo yata sinabi ‘to sa’kin dati?”

“Hindi mo na kelangang malaman ‘yon, Hailey. Hindi naman importante yon eh.”

“No, Dana. Pinaglayo mo sila? Hindi ka ba naawa sa kanila?”

“Hindi. Bakit naman ako maaawa kung yun naman talaga ang gusto kong mangyari?”

Sumandal ako sa pader. Pinikit ko ang mga mata ko. Nagflashback sa’kin lahat ng masasaya naming alaala, lahat ng pinagsamahan namin. Pero nawala lahat ‘yon dahil sa isang lalaki. Dahil kay Royce.

Why,Dana?

Just Like BeforeWhere stories live. Discover now