Chapter 36: Why, Dana?

Start from the beginning
                                    

“Ano ba?! I’m watching.” Inalog niya ang balikat ko. Nahilo ako dahil don. Binatukan ko agad siya.

“Matulog ka na sabi!”

“Ang kulit, Harley!” Tinulak ko siya para hindi siya makaharang sa tv. “Ikaw kaya ang matulog.”

“Kagigising ko lang, Skyla Hailey.”

“Kagigising ko rin lang, Thunder Harley.”

“Edi matulog ka ulit. Tss.” Hinila niya ko patayo. Halos malaglag ang panga ko.

“Bakit ba gustung-gusto mo kong matulog?”

Yamot kong tanong pero nagmartsa na rin papunta sa hagdan. Nung tumingin ako ay tinuro niya ang kwarto ko. Inirapan ko siya bago pinagpatuloy ang pagtaas sa hagdan.

12 am na pero eto pa rin, gising na gising pa rin ako. Ginawa ko na lahat. Nagpagulong gulong sa kama, nagexercise, nakipagtitigan sa kisame at nagbilang ng tupa pero wala pa rin. Hindi man lang nakatulong.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Alam kong kapatid ko yon kaya hindi na ko nag-abala na magmulat ng mata.

“Katutulog lang daw pero nakatulog ulit agad. Tss.” Narinig kong bulong ng kapatid ko. Ikaw nga bubulong nalang rinig ko pa. Tss. “Tulog na, Kuya.”

Hindi ko narinig ang kausap niya pero may idea na ko kung sino. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

“Kuya, nasa kabilang kwarto lang ako…”

“Oo na, Harley. Tatabihan ko lang ang kapatid mo. Salamat.”

“Okay. Night, Kuya.”

“Night.”

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Huminga ako ng malalim at mariing pinikit ang mata. Gabi-gabi niya ‘tong ginagawa. At kaya ginagawa niya to ay dahil gusto niya kong makasama. Hindi kumakalma ang puso ko. Natatakot akong maramdaman niya yon.

Naramdaman ko nag paghiga niya sa tabi ko. Halos mahigit ko ang hininga ko nang niyakap niya ko galing sa likod. Nilapit niya ang katawan ko sa katawan niya.

“Hailey…” naramdaman ko ang hinga niya sa leeg ko. Pinigilan kong mapatili. “You smell so good.”

Tumawa siya ng mahina. “You’ll gonna kill me for this.”

Mabuti alam mo! Hinigpitan niya ang yakap sa’kin. “Sana tanghaliin ka ng gising. Baka maabutan mo ko dito bukas ng umaga sa sobrang pagod ko.”

Gusto ko siyang kausapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Bakit ko ba hinahayaang yakapin niya ko ng ganito? Ni hindi nga kami mag-boyfriend! Ano bang nangyayari sa’kin?

“It’s been hell. Namimiss ko nang lumabas kasama ka. Halos patayin ko na ang pinsan ko sa sobrang selos…” Patuloy niya. Napangiti ako. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko dahil nakatalikod naman ako sa kanya. Hindi niya rin makikita. “Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kelangan ko siya para bantayan ka.”

Just Like BeforeWhere stories live. Discover now