Tinignan ko si Zoren at biglang nawala siya. Waa! Asan na yung gunggong na yun! Aba at iniwan ako mag isa dito.

"Isa pala itong transparent na hoodie" sambit pa ng familiar na boses. Si Zoren. So Kaya pala di ko siya nakikita ngayon. Buti nalang nasuot ko na to bago ako nagpanic na nawala siya dahil alam kong pagtatawanan niya ako. Enough

Naramdaman kong my humawak sa mga kamay ko at alam kong si Zoren yun. Nagsimula siyang maglakad ganoon din ako. Papalapit na kami sa bahay.

Mukha ngang totoo ang sinabi ng babae kanina dahil ang mga halaman at puno sa labas ng bahay ni Lolo ay parang binagyo. Bakit ginawa ni Akasha ito, dinamay ang mga puno't halaman!

Nang paakyat na kami sa bahay, sumikip ang dibdib ko sa itsura ng loob, ang mga gamit ay nagkanda sira sira, may mga bakas na my lumaban sa loob ng bahay. Teka, si Lolo?

"Zoren si Lolo?" mahinang sabi ko sakanya. Baka kasi bigla nanamang susulpot si Akasha dito at kami naman ang gagambalahin niya. Sa ngayon, kailangan namin makita si Lolo.

Umakyat kami ni Zoren sa library na tila alam niyang naroon si Lolo. Binuksan namin ang pinto at my nakita kaming mga dugo sa sahig ng library. Di ko pa nakikita si Lolo alam kong malubha ang nangyari sakanya kaya napaluha ako. Inalis ni Zoren ang hoodie niya. Binitawan niyabako at nagsimulang hanapin si Lolo.

Habang naroroon si Zoren sa kabilang parte ng library, napansin kong my umiilaw sa dulo kaya dahan dahan akong pumunta roon dahil na rin sa madilim dito.

"Zoren" mukhang narinig ako ni Zoren kaya sumunod siya sakin.

Dahan dahan kong inalis ang libro na umiilaw at nakita ko ang dalawang maliit. Si Hada at si Baby Liyah na sugatan. Mukhang napasabak din sila ah. Kawawa naman.

Mukhang nagulat naman silang dalawa kaya nagtago sila sa ilalim ng isa pang libro.

"Kami ito, wag kayo matakot" sabi ko pa. Nabosesan ako ni Baby Liyah kaya siya ang unang lumabas at lumipad sakin. Sumunod naman si Hada at lumipad kay Zoren.

Mukhang natrauma sila sa nangyari. Sino ba naman di mattrauma kahit di ko alam ang nangyari talaga pero pansin ko dahil sa mga sirang gamit at puno't halaman dito.

"Si Lolo?" tanong ni Zoren kay Hada. Biglang humagulgol si Hada at niyakap si Zoren. Sana walang masamang nangyari kay Lolo. Si Liyah naman ginaya si Hada, umiyak at niyakap ako.

"Si Lolo *sob* kinuha siya ni Akasha *sob* tapos.. " tapos umiiyak nanaman siya ulit.

"Malubha ang mga sugat na natamo ng Lolo" patuloy pa ni Baby Liyah. Naaawa ako kay Lolo, dahil sakin nalagay siya sa isang malaking problema. ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Dahil sa kapangyarihan ko na gustong gusto ni Akasha, napahamak si Lolo.

"Patawarin moko Zoren." sambit ko pa, hanggang sa humagulgol na ko ng iyak. Ramdam ko ang higpit ng yakap sakin ni Zoren at paghimas niya sa buhok ko. I feel safe again. ♡

"Wala kang kasalanan Aliyah" sabi niya. Inalis niya ang pagkakayakap sakin at umalis na kasama si Hada.

"Pero ako ang puno't dulo ng lahat ng ito diba Baby Liyah?" tumingin sakin si Liyah na nagtataka at sabay umiling iling. Mukhang di sang ayon sa sinabi ko.

Akasha POV

Ako si Akasha, ang kapatid ng reyna ng De Luxe Kingdom. Hindi naman talaga ako masamang nilalang. Gusto ko lamang iparamdam sakanila ang ginawa nilang lahat sakin nung nakaraan. Alam ko ang paborito ng aming magulang ay si Victoria, ang nakakabatang kapatid ko.

Lahat ibinigay sakanya, lahat ng nais niya ibinigay sakanya, hanggang sa madalang nalang ako pansinin ng aking magulang. Sinusubukan kong gumawa ng makakapaligaya sakanila ngunit kahit anong gawin ko hindi nila ako binibigyan ng atensyon.

Dumating ang isang gabing pinagdesyisyunan kong kung wala silang pakialam sa mga ginagawa ko, wala na rin akong pakialam sakanila. Para na ding tinakwil nila ako sa ginagawa nila sakin at ayon ang masakit. Yung alam mong malapit ka sakanila, andyan ka para sakanila pero hindi ka nila napapansin.

Ang pinakamasakit na ginawa nila sakin na dahilan ng tuluyan kong pagiging masama, ay ang pag iisang dibdib ni Victoria sa aking iniibig, kaisa isang iniibig ko.

"Akasha pakawalan mo ko" pagmamakaawa ng isang matanda. Sino pa ba? Kundi si Master Mines. Sinalakay ko lang naman ang bahay niya dahil alam kong nag iisa lang siya roon.

"Di naman ako tanga para pakawalan ka" sabay tawa ko sa kanya. Sugatan ang katawan niya, my mga pasa ang mukha niya, wala naman akong balak patayin ang noong nagturo sakin sa pag gamit ng kapangyarihan ko.

"Patayin mo nalang ako Akasha" sambit niya pa ng mahina. Itinaas niya ang ulo niya at tumingin saakin ng diretso.

"Nasaan si Aliyah! Nasaan siya!" sigaw ko sakanya. Rinig na rinig sa buong silid kung saan nakaposas ang matanda. Kailangan ko siyang makita.

"Wag mo ng ituloy ang balak mo Akasha. Wag mo siyang papatayin" nanghihinang sabi ng matanda.

Di ko na siya pinansin at umalis na. Hahanapin ko ang madrinang iyon. Sa pang limang bilog ng buwan ay mangyayari na ang propesiya. Ang propesiyang papatay sa lahat ng imortal at mortal. Nung araw na bumalik siya, naramdaman ko ang muling pag gising na propesiyang nakasaad. Propesiyang hindi mababago.

Hindi pwedeng magtagumpay ang propesiyang iyon! Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan kong makuha ang kapangyarihan niya upang magtagumpay ako sa binabalak ko at saka siyang papatayin!

--
A/N: Sorry guys ngayon lang nakapag update. Sobrang busy lang talaga! Busy sa school and sa yuknow. Haha. Anyway, enjoy reading.

simplegorgss ®

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now