Chapter 13

402 12 3
                                    

Minulat ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko. Gustong gusto ata ng araw mukha ko.

My naramdaman naman akong gumalaw sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Zoren na nag iinat at naghihikab, kahit bagong gising siya ang gwapo niya pa rin. *Erase That*

"Magandang umaga Prinsesa" masayang bati ni Zoren sakin. At ano daw? Tinawag niya akong prinsesa? Baliw n ba siya?

"Wag mo nga akong tawaging Prinsesa. Di ako prinsesa." sabi ko pa sakanya na naging dahilan sa pagtawa niya ng mahina.

"Halika na't mag almusal na tayo, maglalakbay pa tayo pauwi" sabay tayo ni zoren at hinila akong patayo. Naman talaga! Medyo napwersa ang braso ko, sakit kaya. *iyak*

Pumunta kami ni Zoren sa isang mesa para kumain na, kanina pa naman ako gutom. Nilabas ko ang mga pagkaing dala dala namin, buti nalang nakadala ako ng mga prutas! Pagkatapos naming kumain ni Zoren, inayos na namin ang mga gamit namin at lumabas na sa bahay ng bruha. Ewan ko ba parang nagmamadali si Zoren, Ano kayang nangyari don? Bipolar.

Naglalakad na kami ni Zoren patungo sa sasakyang panghimpapawid, hanggang ngayon di pa rin siya nagsasalita. Kanina lang ang ganda ng gising niya tapos biglang parang ang lalim ng iniisip.

"Mag iingat kayo" isang babaeng nakayukong habang naglalakad ang nagsabi. Alam kong narinig ni Zoren iyon dahil parehas kaming napalingon sa babaeng nakaitim.

"Weird!" sabi kong mahina. Iba kasi yung pagkakasabi niya ng mag iingat kayo parang may mangyayaring di maganda. Tsk! wag tayo mag isip ng nega. Kailangan ko na makausap si Lolo.

Isang babae ang natanaw ko sa di kalayuan, alam kong papalapit siya samin dahil ang mga mata niya ay nakatingin sa mga mata ko. Suot niya ay puti at medyo my pagkabrown ang buhok.

"Wag na kayong tumuloy sa paroroonan nyo" alam kong siya ang my sabi nun kahit di pa siya nakakalapit samin. Ano bang mayroon at dalawa na silang binalaan kami sa aming pag uwi?

"At bakit hindi?" tanong ni Zoren sa kanya. Tuluyan naman nakalapit siya samin.

"Dahil ikaw (sabay turo sakin) ay hinahanap ni Akasha. Nasa panganib ang buhay mo." sabi niya ng di bumubuka ang bibig niya. Ang weird. Kinabahan naman ako sa sinabi niyang pinaghahanap ako ni Akasha. Ang gusto akong makuha dahil sa kasamaan na binabalak niya.

"Paano mo nalaman at paano kami nakakasigurado sa sinasabi mo?" tanong pa ni Zoren sakanya. Mukhang ito ata ang nararamdaman ni Zoren kaya tahimik siya kanina.

"Napadaan ako sa inyong bahay Zoren at nakita ko si Akasha na nasa labas tila my hinahanap. Pinakiramdaman ko ang nais niya at nakita ko ang dalaga ito sa aking isip *tingin sakin*" sabi pa ng babae. Ako nga talaga ang pakay niya.

"Ang aking Lolo ba ay iyong nakita?" nang itanong ni Zoren yan, biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Tila my kirot akong naramdaman.

Biglang naglaho ang babae at my iniwang dalawang hoodie sa baba.

"Kung kayo ay tutuloy suotin nyo iyan" sabi niya pa. Kinuha namin ang mga yon. Nagtataka ako kung bakit bigla nalang siyang naglaho at di sinagot ang tanong ni Zoren sakanya. Parang my tinatago siya dahil sa biglang paglaho niya, o my masamang nangyari kay Lolo? Diyos ko wag naman sana.

"Zoren, sa tingin ko my masamang nangyari kay Lolo" sambit ko pa, tinignan niya ako ng masama kaya napaatras ako. Nagiging pula nanaman ang mga mata niya e.

"Magmadali na tayo Aliyah" ayun na lamang ang sinabi niya at mabilis na naglaho kami. Pagkamulat ko ng mata nasa isang gubat na kami at kung di ako nagkakamali, alam kong malapit na kami sa bahay. Inutusan ako ni Zoren suotin ang binigay ng babae at ganon din siya.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon