Introduction of the 5 castle

1K 28 2
                                    

BASAHIN MUNA PARA MAINTINDIHAN. Thanks.

* Gazeuse Palace - ang palasyo na ito ang nag aalaga sa dyamante ng hangin na kung tawagin ay Airex Diamond. Ito ay pinamumunuan ng isang matapang at ganap na magaling sa pakikipaglaban na si King Huleu at ang anak galing sa maharlikang pamilya na si Queen Ateisha, ang kanyang asawa. Sinasabi ang mga taga pag alaga ng hangin ay tapat na naglilingkod sa kataas taasang pinuno. Sinasabi din sila ang mga magagaling sa pakikidigma gamit ang sandata, hindi ang kanilang mga majika. Ito ay dahil sa pinag utos ni King Huleu na wag dumepende sakanilang kapangyarihan. (location north)

* Molleze Palace - ang palasyo namang ito ay nangangalaga ng dyamanteng tubig na kung tawagin ay Oguax Diamond. Sila ang magagaling sa pag hi-hypnotize ng mga tao, hayop, creatures, atbp. Sila din ang nasabing magagaling sa pagkanta kung saan onti onting sinisira o hindi pinapagana ang mga organs sa katawan mo, at mararamdaman mo ang bawat sakit bago ka mamatay. Pinamumunuan ito ng isang dalagang ina na si Queen Sherna Elena, kasama naman nito ang kanyang anak na si Prinsesa Aeya. (location: east)

* Velleitari Palace - nasa pangangalaga nila ang dyamante ng apoy na kung tawagin ay Fernox Diamond. Sila ang naturingang mga traydor sa limang palasyo dahil sa kanilang pinuno na gustong angkinin ang dyamante ng ibang palasyo, sila ay nagkaroon ng malaking digmaan. Ngunit natalo lamang ang Velleitari, hanggang ngayon sila ay magkaaway pa rin. Sinasabing magagaling sa sandata ang mga Enemigo (ang tawag sa mga kawal na galing sa velleitari) Sinumpa sila ng kataas taasan na kailanman ay hindi sila magkakaroon pa ng kapangyarihan. Bukod lamang sa kanilang pinuno. Pinamumunuan sila ni King Gonema. (location: south)

* Trissac Isles Palace - ito naman ang nangangalaga sa dyamante ng mundo (ex.lupa, halaman,etc) na kung tawagin ay Tierrax Diamond. Sinasabing sila ay magagaling sa panlilinlang ng mga tao, magaling sila magtago sa bawat sulok na mundo o kahit saan pa man. Sila din ang kinakailangan ng mga kawal na nasusugutan, sila ang tinatawag mag hilom bukod sa mga curador (ito ay taga pag gamot ng mga taong my lubhang sakit, sugat o karamdaman) Magaling sila sa pakikipaglaban ng sandata kasabay ang kanilang kapangyarihan. Pinamumunuan ito ni Queen Ladea and King Emerus. (Location west)

* The De Luxe Kingdom - ito ang kaisa isang pinaka makapangyrihan sakanila, ang palasyong ito ay hindi nangingialam sa mga laban ng kanyang nasasakupan. Hindi ito kayang galawin ng sinomang sa apat na palasyo dahil alam nila na hindi matitibag o matatalo ito. Isa lamang ang makakatalo dito kung ipagsama-sama ang apat na dyamante at kung makukuha nila ang dyamanteng puti sa De Luxe Kingdom. Ang tatlong palasyo ay tapat na nagsisilbi sa pamilyang ito. Hindi na lamang binibigyan tuon ang Velleitari dahil ayaw nilang gumawa ng ikakagulo ng limang pamilya.

Ang bawat pamilya ang my kanya kanyang anak, ang nabanggit ko lamang ay ang Molleze Palace. Lahat sila ay may anak, mga may respeto sa Bathala, magalang sa magulang, at determinadong sakanilang ginagawa bukod lamang sa anak ng taga Velleitari na suwail.

-----------------

Done. Hope you like it :)

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now