Chapter 12 Real

590 14 3
                                    

Naglalakad na kami ngayon ni Zoren patungo sa Land of Witches. Seriously?! Maglalakad lang kami? baka abutin kami ng 48 years sa paglalakad.

Kaming dalawa lang umalis, di na isinama ang dalawang maliit. Gustong gusto nga nilang sumama e kaso hindi sila pinayagan ni Lolo. Kahit ako naman, gusto ko isama si Baby Liyah ko pero delikado daw don at baka mawala sila.

"Zoren maglalakad lang ba tayo?" tanong ko sakanya. Medyo nauuna siya ngayon sakin kaya tumakbo ako ng kaunti.

"Shh wag ka maingay" sabi niya, sinunod ko naman agad ang sinabi niya dahil naalala ko yan din ang sinabi niya sakin nung hinalikan niya ako. Bakit kaya niya ako hinalikan?

"Zoren, tungkol sa ano, sa halik. Bakit mo ginawa yon?" tanong ko sakanya, tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Ang ingay mo kasi kaya bawat ingay mo ngayong magkasama tayo hahalikan kita" sabi niya sabay nag smirked, ako naman eto biglang natahimik. Naglakad na siya ulit at ganun din ako.

Dahil lang don? Kaya niya ako hinalikan? Trip trip lang niya kung bakit niya ako hinalikan? Ayos! First kiss ko pa man din ang kiss na yon at trip lang pala. Kainis *pout*

Patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Zoren. Alam kong malayo layo na rin kami sa bahay dahil sa haba ng lakad. Di ako makareklamo na pagod na ako kasi sabi niya wag daw ako mag ingay diba? Gusto ko ng magpahinga.

Bahala siya dyan! Huminto ako sa isang malaking puno at umupo. Papahinga muna ako baka bigla nalang ako himatayin sa daan. Mapwersyo ko pa si Zoren de Halimao.

"Bwisit talaga siya!" sigaw ko pa.

Naramdaman ko namang biglang gumalaw ang puno na sinasandalan ko. Uwa! Bakit siya gumalaw? Lumingon ako sakanya at may mga matang nakatingin sakin na galit na galit.

"Ginambala mo ang aking mahimbing na tulog madrina" sabi neto. Napakalaki at nakakatakot ang boses niya. Parang ilang lalaking pinagsama ang malalaking boses.

Ngayon lang ako nakakita ng nagsasalita at my mata bibig na puno.

"Patawarin mo ako" sabi ko sabay yumuko sa punong iyon. Aish! Dapat di na ako nagpahinga e, mapapahamak lang pala ako sa punong ito. Kainis. Inangat ko na ang ulo ko at aakmang aalis na pero bigla siyang nagsalita.

"Gagawin kitang isang puno!" sabi pa niya kaya kinabahan na ako, sinubukan kong makawala pero may mga malalaking ugat na ang nakapalibot sa akin.

"Zoren" sambit ko pa habang umiiyak ng mahina. Di ko alam gagawin ko. Di pa ako marunong magcontrol ng kapangyarihan ko. Di ko pa alam kung paano gamitin! Mapapahamak na nga talaga ako neto.

Pumulupot sakin ang mga ugat ng punong yun at nagawa pa niyang tumawa sa ginagawa niya sakin. Asan na ba kasi si Zoren. Leche siya iniwan niya pala ako! Tumigil naman ako sa pag iyak at sinubukang alisin ang kapangyarihan ng puno pero di ko magawa.

"Bitawan mo siya o susunugin kita" sambit pa ng isang familiar na boses. Lumingon ako sa pwesto niya at nakasandal siya sa isang punong nanginginig. Nakataas ng kaunti ang kamay niya na may apoy.

"Zoren" sambit ng puno. Magkakilala silang dalawa?!

Dahan dahan akong ibinaba ng mga ugat at pinakawalan ako. Tinignan ko ang puno at muli itong natulog. Hays sa wakas nakahinga din ako ng maluwag. Ang higpit kasi ng pagkakapulupot sakin ng mga ugat.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at pumunta kay Zoren na nakayuko.

"Sabi sayo wag kang maingay e!" sabi niya. Ayon pala ang dahilan kung bakit bawal mag-ingay dito sa lugar na to dahil pag nagambala mo ang mga puno gagawin ka nilang puno. Ilang madrina na ba ang ginawa nilang puno?

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon