Chapter 7

716 23 1
                                    

"Zoreeeeeen!!!" sumigaw ako ng malakas dahil lang naman kay Zoren! sino pa ba ang kinaiinisan kong tao dito kundi siya lang naman. Wala ng iba! Tanghaling tapat pinag iinit niya ulo ko. 

Paano ba naman, pag akyat ko papuntang silid ko, napansin ko agad ang pinto ko na naging black nanaman. Wala na akong ibang naisip gumawa sa pinto kundi siya, alangan naman si Lolo. E ang aga umalis kanina. Hmm, san kaya pumupunta si Lolo. Hayy pero Nakakainis talaga, Halimao na yun. Wala na siyang ginawa kundi asarin ako.

Pumunta ako sa tapat ng pintuan niya at kumatok ako ng napakalakas! Wala akong pakialam kung magalit siya sakin. Patas lang! After ng maraming katok biglang bumukas ang pinto.

"Ano ba ha!" ayan ang bungad niya sakin. Di ako makapagsalita at makagalaw sa pinagtatayuan dahil lang naman wala siyang damit at naka suot lang pang ibaba. *jawdropped* Ano ba Aliyah, pero ang hot talaga ng katawan niya e, tumigil kana, sandali nalang Aliyah ngayon lang ako nakakita ng abs, manyak, hindi ako manyak!

"Ano?" natauhan naman ako sa pagkakasalita niya at sumimangot na agad ako!

"I-iba..balik mo sa d.dati ang p..pi..pinto ko!!!" sabi ko sakanya at nagawa pang magsmirk sakin. Ang kapal talaga ng mukha.

Napansin ko naman si Hada na lumipad palapit sa amo niyang ho..pangit!

"A-atsaka mag d-damit ka nga! Ang pa-pangit mo nanga, ang p..pangit din k.k..ka..katawan mo!" sabay umalis na ako. Hindi ko na talaga kaya ang init. Tanghali na nga, ganun pa makikita ko. Sobrang init talaga. Makaligo na nga.

"HOY yung pinto ko!" sigaw ko habang naglalakad pabalik sa kwarto ko.

Dalawang araw na nakakalipas at puro pagpapahirap ang inuutos sakin, nung una maglinis ng limang kwarto kahit wala naman dapat linisan dahil malinis naman, di lang iyon! Pinalinis pa sakin nung kinagabihan ang fountain sa labas ng bahay. Talagang pinanuod pa ko habang naglilinis,Nako kung maiksi lang pasensya ko pinag sasampal ko na yon.

Nung pangalawang araw, pinalinis sakin ang likod ng bahay! Sinipag din akong linisan dahil napakarumi. Ang pangit naman siguro kung maganda sa harap, pero sa likod hindi na. Parang tao, maganda nga panlabas pero deep inside pangit ang ugali. Woo! Dami alam!

At ngayon araw, sa wakas! Ang pagtatapos ng paghihirap ko na pinapagawa niya.

After kong maligo, oo naligo ako dahil sobrang init! Bumaba na ako papuntang garden kasabay ko si baby Liyah, dun lang naman kami nakakaabot dahil pinagbawalan na ako ni Lolo lumabas hanggat di ko kasama si Halimao.

"Maghanda ka na, may ipapagawa ako!" sabi sakin ng aroganteng lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Ano po maipaglilingkod ko sainyo?" sarkastikong tanong ko sakanya.

"Gusto kong linisan mo ang buong kisame ng bahay!" sabi niya at umupo sa tabi ko sabay inakbayan ako.

"Okay ka lang? Ang laki laki kaya ng bahay! Di ko matatapos ng isang araw na mag isa lang ako!" - ako

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now