Chapter 65.2 : The Fall Of Great Ythan Devone Monteclaro

1.4K 32 13
                                    

WARNING. ⚠️

This chapter is full of pictures ^.^ Turn your data on or connect to wifi to see the pictures at the end of this chapter.

Madami talaga kasi.. At gusto kong i-share sa inyo ang mga itsura nang mga 'Bibi's' para mas ma-imagine nating lahat! ^_^






========

Chapter 65.2 : The Fall Of Great Ythan Devone Monteclaro.



                •• Continuation... ••





"He must be the owner.." Ani Jairus habang nakatutok ang mata sa malaking kwadro na nasa dulo ng hallway, sa tapat nila. "Ambata pa pala.." Bakas ang paghanga sa boses na dugtong pa ng binata.



Takaw pansin ang naturang litrato kahit na dim light ang liwanag sa paligid dahil sa dalawang spotlight na nasa ibaba/gilid ng kwadro na nakatutok sa litrato.


Kung maingay at maharot ang tugtog sa ibaba, malamyos at masarap naman sa tenga ang pumapainlang sa ikalawang palapag.


"Passes niyo po, Sir..." Anang waiter saka isa-isang inabutan ang lima ng card.

Siniguro kasi ng may-ari na hindi maiistorbo ng kahit sino mula sa ibaba ang mga taong nasa vip rooms kaya pinagawan nito ng security lock ang pinto na ginagamitan ng card.


Sabay-sabay pang napatingin ang lima ng biglang bumukas ang isang pintuan ng kwarto.

"Sinco.." Mahinang basa ni Jairus sa signboard na nasa ibabaw ng pintuan ng bumukas na kwarto.


"Act natural okay? Alam niyo na ang gagawin.." Anang lalaking biglang sumungaw, sa kausap nitong waiter. "Pag may dumating, timbrehan mo agad ako. Saka yung babae sa kabila, wag niyo munang papalabasin.." Bilin pa nito.

Tumango naman ang kausap. "Yes, Sir..kami na pong bahala sa kanila.." Dahil nahaharangan ng waiter ang lalaki, kaprasong bahagi lang ng ulo nito ang kita ng lima na palihim na nagpapalitan ng makahulugang tingin. Sa narinig na huling sinabi ng lalaki.



Tila naman natauhan ang waiter na kasama ng Majesty at agad silang iginaya palapit sa harapan ng saradong kwarto. "Dito po tayo.."

Walang nagawang sumunod naman ang lima.





Humahangang nilibot ni Clyde ang tingin sa kabuuan ng kwarto 'UNO' na may kapasidad na hanggang labing-lima katao.



Napapalibutan ng salamin ang buong paligid at meron pang bilog na stage sa gitna na may mic na nasa stand. Sakto lang para sa dalawang taong gustong mag-duet sa pagkanta. Sa magkabilang gilid, merong drums, piano, at electric guitar. Para naman sa mga kasama ng mga itong gustong tumugtog.

Kung hindi naman marunong ang mga costumers, may available ding banda na pwedeng rentahan. Na gaya ng sa kwarto ay per ora din ang bayad.


Sa kaliwang bahagi ng kwarto, may tatlong malalaking LED tv na nakadikit at dalawang malaking speaker sa may gilid. Kung videoke naman ang hanap ng vip. Maayos ding nakasalansan ang songbook sa ibabaw ng mesa. At nasa ibabaw nito ang remote para kung maisipan agad ng costumer na kumanta.


The Majesty's Princess || #Wattys2018Donde viven las historias. Descúbrelo ahora