Chapter 60 : Hundred Hugs To Heaven

1.2K 31 8
                                    

Chapter 60 : Hundred Hugs To Heaven.




                        MONDAY.






"What's goin' on?" Ythan asked as he entered the library inside their house, Kingdom.

Kumpleto na silang lima. At magkaharapang nakaupo sa magkatapat na sofa ang apat. Lumakad naman si Ythan at naupo sa swivel chair na nasa likuran ng mesa.

"Now tell me, anong dahilan at andito kayong lahat?"


"We're talking about Czerinna and the picture that Margux uploaded on the page." Richmond replied.

Umangat ang isang kilay ni Ythan pagkarinig sa sinabi ng kaibigan.

"So it was Margux" Anang binata sa isip. Matapos kasing makita nito ang naturang litrato, hindi na niya nagawang basahin pa ang ibang nakasulat. Sa katunayan, nag-iisip na nga si Ythan ng paraan kung pano mahahanap ang nag upload ng picture sa page para makausap ito.


"Hindi mo pa ba nakikita yun? Nung Friday night pa yun in-upload at hanggang ngayon, yan parin ang topic sa buong school." Sabat naman ni Brent.


"It must be." Ani Ythan.


"Do you think it's true?" Ani naman ni Clyde.


"Pwede.." Sabat ni Jairus dahilan para mapatingin ang apat dito. Tumaas naman ang kilay ni Ythan pero nanatiling walang kibo.

"Tangna Jairus, kala ko ba Lodi mo siya? Ba't ganyan ka?" Bakas ang disappointment ni Brent ng muling magsalita. "La ka palang kwenta." Dagdag niya.


"Ano?! Tangnamo rin para quits! Oo aminado naman ako. Lodi ko siya! Pero isipin niyo, san ba natin siya nakilala? Dito lang din naman sa school diba? Isa pa, ni hindi naman siya nag open satin ng tungkol sa buhay niya o kahit ano. Hindi ko nga alam kung kaibigan ba natin siya o hindi.." Mahabang sabi ni Jairus.


"Gago! Wala ka talagang kwenta! Anong klaseng kaibigan kang hayup ka?" Galit na sabi ni Brent na ngani-ngani ng tumayo para sapakin ang kaharap.


"Tanginamo, kung makapagsalita ka parang ang husay mo ah! Bakit ikaw, asan ka nung kailangan ka ng sinasabi mong kaibigan mo?" Galit na ding sabi ni Jairus. Natahimik naman si Brent. Tama naman kasi si Jairus sa sinabi nitong wala siya sa mga panahong kailangan siya ni Czerinna.

Gaya ngayon. Andito lang sila sa Kingdom sa halip na puntahan si Czerinna at samahan.


"I think, Jairus had a point." Singit ni Clyde kaya nalipat naman sa kanya ang tingin ng mga kasama. "We all consider her as one of our friend, but does she even think the same?"


"She's our friend at lahat tayo guilty sa sinabi mong wala tayo sa mga panahong kailangan tayo ni Czerinna." Sabat ng hindi na nakatiis na si Richmond.

Napabuga naman ng hangin si Brent habang sina Jairus at Clyde ay napatango nalang.

"But at that time, i'm sure she's with someone else.." dagdag ni Richmond saka makahulugang sumulyap sa tahimik na si Ythan na nagulat pa ng makitang sa kanya nakatingin si Richmond kaya pinandilatan niya ito. Hindi naman napigilan ng binata ang mapatawa sa ginawa ni Ythan.



"Wait guys, naisip ko lang..." This time, si Clyde ulit ang nagsalita. "Kung totoo ang sabi-sabing gold-digger si Czerinna, bakit nung nag date kami----WHAT?!!!" Dumagundong ang boses ni Ythan sa kwarto.

The Majesty's Princess || #Wattys2018Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin