Chapter 30 : Another Date

1.3K 40 0
                                    

Chapter 30 : Another Date




JULY 15, 20**    [ SATURDAY || 8:00 AM ]






THIRD PERSON.



"Anyare diyan?" Tanong ni Eurika nang tabihan si Sashi saka ini-nguso ang tulalang si Czerinna na naka higa sa kama nito.


"Malala ata ang mother niya.." pabulong namang sagot ni Sashi, ingat na marinig ni Czerinna ang sinabi. "Talaga?" Tanong ni Eurika saka naawang tinignan ang kasamang tulala pa rin. "Kawawa naman siya.." dagdag pa nang dalaga.


Tumango naman si Sashi bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Eurika dahil maging ito man, naawa rin kay Czerinna. Mula kasi kaninang tumunog ang bell nang alas siyete nang umaga, hindi pa rin kumikilos sa pagkahiga si Czerinna at nakatulala lang.



"Tara i-comfort nate-----WAAAHHHH HINDI KO NA'TO KAYA!"

Nagkatinginan ang dalawang babae nang biglang sumigaw si Czerinna bago sumugod ang mga ito palapit sa kaibigan.



Sabunot ni Czerinna nang dalawang kamay ang sariling buhok habang nagpapa gulong-gulong ito sa kama.


"Czerinna, are you okay?" Bakas sa boses ni Sashi ang pag-aalala sa kaibigan nang magtanong ito.



Napahinto naman si Czerinna sa ginagawa at tila ngayon lang natauhan na hindi pala siya nag-iisa sa kwarto.










JAIRUS.


Mas gwapo pa ko sa umaga at wala nang bago dun.

Nag shower lang ako't isinuot ang light pink polo shirt na lalong nagpalutang sa kagwapuhan ko bago ko bumaba para kumain nang breakfast.

Naabutan ko yung tatlo na tahimik lang kumakain.

Wala na naman si Clyde at hindi na rin bago yun, malamang iba na naman ang inaalmusal nang manyakol na yun na feeling gwapo. Humila ko nang bangko at naupo sa tapat ni Brent na mukhang may laban na namang pupuntahan.


Nginuso niya naman agad si Ythan sakin nang magtama ang tingin namin kaya kunot noong binalingan ko yung feeling gwapo na sambakol ang mukha.



"Why?" I mouthed. Nagkibit balikat naman ang gaqo kaya hindi ko nalang pinansin at naglagay na nang pagkain sa plato ko.


Dahil Saturday ngayon, sigurado kong magtatagpo na ang landas namin ni Lodi. Kaya kailangan kong bilisan ang pagkain para naman mai-date ko na si Lodi, tangna nung Wednesday ko pa plano yang pag date na yun sa kanya eh!











CZERINNA.



Whiw! Buti nalang at natakasan ko yung dalawa.

Muntik na ko dun ah!

Aissshh.. nawala sa loob kong Saturday nga pala ngayon at wala kaming pasok kaya parehas silang andun sa kwarto.


Bitbit ang laundry basket na pinaglalagyan nang marumi kong damit, tuloy tuloy lang ako sa paglakad sa hallway papunta sa laundry area.

Buti naman at wala pang tao nang dumating ako, makakapag laba ko nang tahimik.

Hinila ko yung hose nang tubig saka inilagay sa washing at habang hinihintay na mapuno nang tubig ang washing, pinili ko na ang mga maruming damit para paghiwalayin ang puti at de-color.



The Majesty's Princess || #Wattys2018Where stories live. Discover now