Chapter 56 : Most Important Person

1.1K 32 0
                                    

Chapter 56 : Most Important Person.




TUESDAY.





THIRD PERSON.



"Oh, gamitin mo muna 'to!" Ani Ythan sabay labas mula sa likuran ng kahon ng bagong cellphone at hinagis sa katapat na kama bago tumalikod at humakbang palayo.

"Aish..parang concern naman ako pag ganon.." Anang binata saka nagmamadaling lumapit sa kama at kinuha ulit ang kahon.

Sandaling tumahimik pa ito na parang nag-iisip saka lumakad palapit sa salamin at nag-ayos ng sarili bago pabuntong hiningang sumeryoso ng mukha at tuwid na tinignan ang sariling repliksyon. "Hoy, wala kang cellphone diba? Sayo muna 'to para may magamit ka."

*iling* "Tangna, mas concern naman ata saka baka kung ano pang isipin ng babaing yun!"

Asar na lumakad si Ythan paalis sa tapat ng salamin saka pabagsak na naupo sa sofa sa loob ng kwarto niya saka pinag ekis ang dalawang paang naka patong sa center table at kumuha ng isang stick ng sigarilyo at nagsindi, ng mapatingin siya sa wallet niyang nakapatong din sa mesa. Nilapag niya ang hawak na kahon saka kinuha ang wallet at inilabas ang kaprasong papel na nakaipit dito at binasa ang nakasulat.

Pabuntong hingang pinatay ni Ythan ang yosi sa kalapit na ashtray saka sinandig ang ulo sa sofa at pumikit.




"Perfect!" Ani Brent sa isip habang nakatingin sa mga pagkaing niluto niya. "It's time to call those bastards.." Dagdag niya pa saka tuloy tuloy nang lumabas ng dining hall.

Maagang nagising si Brent kesa sa nakasanayan niyang oras, kaya naisip ng binata na magluto na rin ng almusal nila pagkatapos niyang mag work out. Hindi man kasing dami ng palaging niluluto ni Ythan, naisip niyang matutuwa narin ang kaibigan dahil nabawasan ang gagawin nito. Isa pa, kailangan nilang mas maagang makakain at makapag-ayos dahil ngayon ang simula ng pagpasok nila bilang isang normal na estudyante sa Elite High, at kasama sa naging kasunduan ng magkapatid na sasabay na sila sa pagpasok ng ibang estudyante. Kailangang nasa classroom na sila bago pa man mag attendance si Mr. Sison, ang kanilang class adviser.





Unang pinuntahan ni Brent si Ythan sa kwarto nito sa second floor ng Kingdom. Akmang kakatok na ang binata ng hindi sinasadyang mapihit nito ang doorknob at bumukas kusa ang pintuan. Kaya sa halip, marahan niya nalang tinulak ang pinto at magaan ang hakbang na pumasok sa loob.

Tumambad sa kanya ang ayos ng kaibigan na naka dipa ang magkabilang braso't nakasandig ang ulo sa sofa.

"Ano kayang pinapagawa sa kanya ni Chairman at parang pagod na pagod siya?" Ani Brent sa isip habang magaan ang hakbang na lumapit sa nakapikit na si Ythan.

Pinasadahan niya ng tingin ang center table sa harap nito at hindi maiwasan ni Brent ang mapailing habang isa isang tinitignan ang mga nagkalat na gamit sa ibabaw ng mesa. Magaan ang kilos na itiniklop pa ni Brent ang nakabukas na laptop saka dinampot ang ashtray na halos mapuno na ng mga upos ng sigarilyo. Akmang tatalikod na ang binata ng mahagip ng mata nito ang kahon na nakalapag sa tabi.


Napuno ng kuryosidad ang binata ng makita ang naturang kahon. Pasimpleng tinapunan niya pa ng tingin ang nakapikit paring si Ythan bago kinuha ang kahon at marahang binuksan.

"Why does he need a new phone?" Anang binata sa isip habang nakatingin sa bagong cellphone na nakalagay sa loob ng hawak niyang kahon.




"Why are you sneaking in other people's room?"

"Fvck!" Mabilis na napalayo si Brent sa mesa at gulat na napatingin kay Ythan na binaba ang mga paa sa center table saka hinablot sa kamay niya ang hawak pa ring kahon ng bagong cellphone.

The Majesty's Princess || #Wattys2018Where stories live. Discover now