Chapter 52

1.5K 28 4
                                    

Chapter 52




CZERINNA.


"Rinna, wake up! Rinna.." Aish..buiset naman oh! *yawn* Pumihit ako patagilid sa kabilang side.


"Pffft. Such a sleepyhead..."

*ZzzzzzzzzzzZzzzzzzzzzzz*


"Rinna...." Ramdam kong may humila ng dalawang braso ko kaya umangat ang upper body ko sa kama pero super bigat talaga ng mata ko at hindi ko maidilat. "Uy.."

*ZzzzzzzZzzzzzzZzzzzzzzz*

"Hey, Rinna!" Ramdam ko ang pagtama ng balat sa pisngi ko. "CZERINNA ERIN! WAKE UP!"

"Five minutes, Kuya.. five minutes.." Nakapikit na sagot ko ng tawagin niya na ko sa buo kong pangalan. Naramdaman ko naman ang lapat ng likod ko sa higaan kaya umayos ulit ako ng higa para magpatuloy sa pagtulog.


"WHAT THE FVCK?!!" Sigaw ko sabay balikwas ng bangon. Anak ng peste! Wala pang isang segundo kong nakakapikit may walanya na namang nambubulahaw. -______-
Padabog akong bumaba sa kama saka tuloy tuloy na lumabas ng kwarto.  Sumalubong sakin ang dumadagundong na tunog ng bass galing sa speaker.


~Maraming rango ang kinarkula sa akin ay nag estima ang rhyme ko'y makamandag na parang laway ng tarantula tignan mo ang karatula basahin ang slogan ito ang allstar na parang kwento ni Marc Logan.~


"Damn this bastard.." Tss..Hanggang ngayon di pa rin siya nagbabago ng paraan ng pang gigising slash pambubulag sakin twing tulog ako. ~_____~
Nailing na nilapitan ko ang speaker at pabalyang hinugot sa pagkasaksak.


"Oh, ba't gumising ka na? Wala pa namang five minutes ah.." Masama ang tinging nilingon ko ang nakangising asong si Sebastian sa may bukana ng dining hall. "Tss..sa lakas mong magpatugtog pati 20 years ng patay siguradong babangon." Asar na sabi ko. I rolled my eyeballs at pabagsak na naupo sa sofa. "Never thought na hanggang ngayon fan ka pa rin pala ni Mike Kosa.." Dagdag ko habang binabasa yung song list sa likod ng cd case.


"Oo naman!" Proud pang sagot ni Sebastian na sinundan pa ng pag beat. Napangisi naman ako saka tumingin ulit sa kanya. Tarantado este talentado din 'tong Kuya kong to eh. Well, sino nga bang mag-aakala na ang dating sira-ulo..hindi, mali. Dahil hanggang ngayon siraulo pa rin siya. Tch! What i mean is, sinong mag-aakala na ang binatang walang ibang ginawa at pinangarap kundi ang maging rapper ay isa na ngayong Legal Counsil sa isang malaking company. At pinag-aagawan pa ng mga naglalakihang lawfirm.

Malakas ang kutob kong isang malaking JOKE lang yun. Na sinabi niya lang na pinag-aagawan siya ng mga lawfirm para hindi na siya ibigti ni Mama patiwarik!
Pano, lagi silang nag-aaway noon ni Mama dahil walang ibang inatupag si Kuya Sebastian kundi ang magrap, tumambay, makipag inuman at makipag barkada sa mga kapwa niya feeling rapper. Tch!

At dahil gawain niya noon sa bahay ang magpatugtog ng wantusawang rap songs, kaya ang siste, pati ako nakabisado ko na yung mga kanta ng idol niyang si Mike Kosa. =______=


"Hoy Latak! Pati ba naman ikaw natutulala sa kagwapuhan ko?" Kingina!

-________________- 

Ayan na naman siya sa pagtawag sakin ng latak. >___<  Nakalimutan ko, bukod nga pala sa pagra-rap, isa rin sa mga talento ni Kuya ang alaskahin at bwisitin ako. At talagang tuwang tuwa siya twing napipikon ako sa pang-aasar niya. Nag-umpisa siyang tawagin akong latak nung magkakasama kaming tatlong magkakapatid, at sila lang ni Ate Lorraine ang napuri nung bwiset na Aling yun! Bwisit talaga siya! Kapag naalala ko yung Aling yun, gusto ko siyang iumpog ng eighty times! Dahil sa kanya, nagsimula ang kalbaryo ko kay Sebastian. Mula noon, kundi "Panget" o "Bakè" short for Bakekang, Latak ang tinatawag niya sakin. At wala siyang pakialam kahit nasa kalsada kami.

The Majesty's Princess || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon